Universe 2: Interstellar

6.5K 445 86
                                    

ZEN

We're having our usual dinner but it seems different this time. My Mom looks at me as if she wants to tell me something urgent and she did without reservation. Her excitement scares me a bit. 

"Zen, there's a summer camp about arts hosted by Serenity Art's Club, two weeks from now. Sa tingin ko, mas maganda kung magre-register ka. Open ang Summer Camp kahit kanino, kahit hindi man pumapasok sa Serenity. Nalaman ko lang din to sa anak ng kapitbahay natin, kay Rozend. Mukhang magre-register din siya. Magandang opportunity 'to para malaman mo kung ano talaga ang gusto mo," sabi ni Mama pero may nag-aalalang ngiti na gumuhit sa labi niya. "Ano sa tingin mo? May makikilala ka ring bagong kaibigan."

If I'm still my usual self, I will be excited and will willingly join. Hindi ako makakatulog hangga't hindi ako nakakapagregister sa Summer Camp. At tiyak na mas magiging excited pa si Elaine sa Summer Camp kaysa sa 'kin kaya ito lang ang pag-uusapan naming dalawa. Pero sa oras na ito, wala akong nararamdaman. Tila nawala na ang interes ko sa sining at sa pagpipinta.

Pero nawala nga ba talaga?

Hindi ko magawang ngumiti.

Napansin ko na pati sina Josh at Papa ay naghihintay sa sagot ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nasasanay sa pagiging tahimik ko, na tila ba unti-unti na akong lumalayo sa kanila. Nagtama ang paningin namin ni Mama. Her anticipation is written all over her warm and welcoming face. Her brown eyes are so eager and hopeful.

"Hindi ko alam, Ma. Pag-isipan ko muna siguro," mahinang sagot ko. Sabay-sabay na bumuntong-hininga sina Mama, Papa at maging si Josh. Alam ko na gustong-gusto nilang ibalik ang dating sigla ko. Siguro iniisip nila na ito na ang muling bubuhay sa 'kin.

Marahang tumango si Mama na parang naiintindihan ang nararamdaman at desisyon ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang paglungkot niya. "Sige. Pag-isipan mo muna. May dalawang linggo pa naman para magbago ang isip mo," sabi ni Mama.

Pinilit kong ngumiti pero nauwi lang ito sa isang ngiwi. Wala sa sariling napakamot ako sa likod ng leeg ko. Lately, I'm becoming anxious of turning back to my old self. Maybe grief and loneliness can just suddenly change you. I'm also anxious of the people around me who want me to finally become better. I'm not sick though. Just lonely and alone because no one understands.

Tinulungan ko si Mama sa pagliligpit ng pinagkainan namin at naghugas ng pinggan.

"What do you think of Rozend?" tanong ni Mama habang tinutulungan ako sa pagtataob ng plato sa lagayan nito.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman po ang meron kay Rozend?"

"Mabait siya, 'di ba?" nakangiting tanong sa 'kin ni Mama. Maybe my Mom is secretly the sun who never loses her light. She's always bright and smiling.

"Hindi ko po alam. Ngayon ko lang siya nakilala. Ma, hindi mo masasabi kung mabait o hindi ang isang tao sa unang pagkikita pa lang lalo na kung pangalan pa lang ang alam natin sa tao," naiiling na sabi ko sa kanya. Hindi mawala ang pagkunot-noo ko. "Bakit po natin siya pinag-uusapan?"

"Wala lang. Sinabi ko kasi sa kanya na mahilig ka sa Arts. Sa tingin ko, magkakasundo kayo," kibit-balikat na sabi niya. Pinunasan niya ang kamay gamit ang isang malinis at puting basahan.

"Ma," mariing sabi ko dahil sa pagkainis. Napaawang ang labi ko. Sa palagay ko, ikinuwento na ng nanay ko ang buong pagkatao ko sa isang estranghero!

She looked at me with mischievous eyes. She even flipped her long black hair and smiled at me. "Goodnight, Sweetie. Alam kong magkukulong ka na naman sa silid mo kaya uunahan na kita," she even winked at me and gave me a peck on my right cheek. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil nawala na agad siya sa paningin ko. She joined my father and brother in the sala to watch their favorite drama.

The Universe and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon