Chapter 15

352K 7.4K 720
                                    

BINUKSAN lang ni Mhelanie ang pinto ng silid. Gusto niyang marinig ang pag-uusap ni Harper at ina nitong si Suzeth. Alam niyang hindi maganda ang pakikinig ng usapan ng iba pero curious siya dahil si Falcon ang topic ng dalawa. Sumugod si Suzeth sa condo ni Harper para kumpirmahin sa dalaga ang pumutok na balita tungkol sa hiwalayang Harper at Falcon.

Headline ang diumanong hiwalayan ni Harper at Falcon sa lahat ng pahayagan. Maging sa social media ay trending ang tungkol doon. Ang daming negative feedback. Ang daming nanghihinayang at umaasam na fake news lang iyon. Maraming nagsasabi na kung dahil sa third party at kung sino man ang dahilan ay humanda sa mga ito. It's really bothering her, at natatakot siyang baka may makaalam ng tungkol sa kanila ni Falcon.

Sa isipan pa lang sa maaari niyang kahinatnan kapag nalaman ng mga fans ni Harper at Falcon ang tungkol sa lihim na relasyon nila ni Falcon ay pinanghihinaan na siya. Hindi niya alam kung paanong nakalabas ang balitang iyon? Sigurado siyang hindi iyon galing kay Falcon. May isang salita si Falcon at kung ano ang pakiusap ni Harper tiyak na iyon ang susundin ng binata.

Natigilan si Mhelanie nang maalala ang pag-uusap ni Harper at kanyang nanay noong nasa Batangas sila. Bukod sa kanila ay naroroon ang stylish ni Harper at stylish ni Vanessa Incanto sa tent. Si Vanessa ang co-star ni Harper at siyang napiling maging antagonist sa pelikula. Since hindi siya pumayag sa inalok ni Mamshie Juday na maging protagonist sa pelikula ay si Harper na ang siyang naging pangunahing bida ng pelikula at si Vanessa ang antagonist. Isa iyon marahil sa dahilan kung bakit parang walang ganang magtrabaho minsan si Harper. Ang dalawang taong nanakit sa dalaga noon, si Direk Morgan at Vansessa, ay katrabaho niya ngayon.

Madalas rin niyang nakikitang panay ang paglalandi ni Vanessa kay Direk Morgan na ikinaiirita ni Harper hindi lang nito pinapahalata.

"Harper, bakit mo hinayaang maghiwalay kayo ni Falcon? Balikan mo siya." Bakas ang pagkadismaya sa boses ni Suzeth.

"Mom, hindi ko gustong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa 'kin. Obviously, wala ng nararamdaman si Falcon para sa 'kin and I have to accept his decision."

"God, Harper, hindi ka nag-iisip! You were unknown in the showbiz world, and that changed when you were romantically involved with Falcon. You got famous because of him, Harper, at ngayong nakipaghiwalay ka sa kanya ano ang mangyayari? Lalamya ang career mo."

"Do you really think that I can't be successful in my own ability? That I can't reach where I am now without Falcon? Na sumikat lang ako dahil kay Falcon?" May nahimigan si Mhelanie na hinanakit sa boses ni Harper at humalo ang lungkot.

"Hindi sa ganoon, Harper, pero aminin natin na malaki ang naging parte ni Falcon sa pagsikat mo. Makipagbalikan ka sa kanya. Kung bakit ba naman kasi tinanggihan mo pa ang alok niyang kasal sa 'yo. Siguro iyon ang naging dahilan kaya hiniwalayan ni Falcon."

"Mom, please, I'm not ready to settle down yet. Masyado pa akong bata."

"Balikan mo si Falcon at tanggapin mo ang alok niyang kasal."

"Mom!" Naghihisterya na ang boses ni Harper.

"Harper, listen. We need him right now. Primrose University is facing the biggest crisis now. Maaaring mapatalsik ang daddy mo sa posisyon niya bilang presidente sa oras na hindi niya masulusyunan ang kinahaharap na problema ngayon. Ang pamilya Cabral ang pag-asa natin. Nakausap ko na si Seg at handa siyang tumulong. I'm begging you, Harper."

Naninikip ang dibdib ni Mhelanie sa naririnig na pag-uusap ng dalawa. Paano kung pumayag si Harper?

"Pero, mommy, wala na kami ni Falcon. Tinapos na niya ang relasyon namin at ayaw kong magpakasal sa kanya dahil lang sa kailangan natin ang tulong ng pamilya niya. Mabait ang pamilya Cabral and Tito Seg can help you out with this problem."

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon