13- Hunting Week

7.2K 365 19
                                    

Napatigil si Malik sa paghakbang sa gitna ng hallway sa Akadēmos nang mapansing tila wala na sa sarili ang ibang mga estudyante. Gusto n'ya pa sanang manilip pero mabilis na tumatayo ang mga 'to at nagmamadaling umalis. May mga naglalakad nang walang direksyon kaya nababangga sa mga pabilog sa pillars o di kaya ay nahuhulog sa mga hagdanan. Gusto n'ya tuloy pagtawanan ang mga ito lalo na 'yung nakikitaan ng underwear. Meron ding mga nagmamadali bitbit ang kani-kanilang malalaking kadena.

"Malik!" napalingon siya sa biglang tumawag sa kanya. Si Rifka. Nakasuot pa rin ito ng school uniform at may bitbit pang mga libro.

"Let me help you," nakangiti niyang inagaw ang mga dala nito kaya hindi na ito nakapalag.

"G-Gusto sana kitang makausap tungkol sa... tungkol sa..." hindi nito matapos-tapos ang sasabihin. Napakamahiyain talaga nito.

"Tungkol sa evening activities n'yo ni Gaius?" mahina niyang pagtatapos kaya natigilan ito. Oo, nabasa niya ang isip nito noong nasa dorm room sila kahapon.

Hindi nagtagal ay tumango na rin ito. "K-Kailangan ko kasi ng pera."

"Wala namang problema sa akin eh. Basta mag-iingat ka lage. Isang kapalit lang ang hihilingin ko," aniya saka nagngising-aso.

"A-Ano naman 'yun?" bigla itong kinabahan.

"Isang oras na make out session," agad niyang sagot kaya nanlaki ang mga mata nito. Bahagya pang napaatras sa takot kaya tumawa siya ng malakas. Ang sarap talagang pagtripan ng mga inosenteng babae. Takot kasi agad eh na akala mo ay papatayin na.

"A-Ayoko nga. Iba na lang," sineryoso nga nito ang sinabi n'ya.

Natatawa pa ring inakbayan n'ya ito gamit ang kanang braso habang ang kaliwa ang may hawak sa mga libro nito.

"Isang oras lang naman eh," ungot niya pa. Hindi naman talaga siya seryoso pero kung papayag ito, why not? Maganda si Rifka. Para itong araw na kumikinang dahil sa buhok nito. Idagdag pa ang mala-anghel nitong mukha, makurbang katawan at cute na height.

"A-Ayoko sabi eh," pilit itong kumawala pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakaakbay rito.

"Nasasaktan ako ha. Ngayon lang nangyaring may umayaw sa kagwapuhan ko," aniya na umakto pang nasasaktan talaga.

"Eh k-kasi..."

"Di bale. Kaibigan naman kita kaya palalampasin ko ito. Sisingilin na lang kita kapag may naisip na ako. Okay?"

Sunud-sunod itong tumango na para bang sobrang relieved.

Ngumiti na siya rito, iyung pamatay niyang ngiti na kay raming babaeng nabihag. Pero mukhang wala nga yatang epekto. "Basta mag-iingat ka lage sa labas. At 'wag na 'wag kang lalayo kay Gaius. Sa kanya ka lang safe kapag nasa labas kayo."

"A-Alam mo ang tungkol kay Gaius? 'Yung trabaho n'ya?" gulat nitong tanong.

"Oo naman. Matagal na. Hindi ko mabasa-basa ang isang 'yun. Laging sarado ang utak n'on. Nakita ko s'yang tumakas minsan kaya sinundan ko. Ayun, nalaman ko."

"Tulad ng ginawa ko."

"Yup."

Nagsimula na silang humakbang pababa ng hagdanan. Napapatingin pa sa kanila ang mga estudyante dahil nakaakbay pa rin siya rito. Buti na lang mahina lang ang usapan nila. Panigurado kasing gusto nang makitsismis ng mga ito.

"Alam din ba nina Tiana at Gaius?"

"Nope. For sure, Gaius wants to keep it a secret so I have to keep my mouth shut. It's not my secret to tell. Hindi nga niya alam na sinundan ko s'ya eh."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon