💠Chapter 1💠

134K 4.9K 974
                                    

Snow's POV

"Kyyaaaahhhhhhhhhhhh!" Napasigaw na lang ako ng wala sa oras.

Nandito ako sa banyo ngayon at nakaharap sa salamin. I was so shocked staring at myself in the mirror. Why is that? My hair just turn into platinum blonde! Oo, platinum blonde! Kagabi brown pa ito, at hindi naman ako nagpakulay.

"Hey! What was—what the hell?" Nabigla din tanong ni Luna. "What did you do to your hair?"

Napatingin ako rito na lukot ang mukha. Like seriously? Sisigaw ba ako kung ako may gawa nito? Hindi naman siya pangit tingnan kaso, biglang nagbago ang kulay ng buhok ko overnight? Baka naman tumatanda na ako? But hindi naman ganito ang kulay ng buhok ng matatanda.

"I woke up like this." Reklamo ko kay Luna. Wala akong maisip bakit ganito na ang buhok ko. O baka naman nananaginip lang ako?

Hinawakan pa talaga nito ang buhok ko at chineck kung totoo ba. Hinila pa nito kaya naman napaaray ako dahil masakit. Pero pucha hindi ako nananaginip dahil nasaktan ako! "The hell, it is real. How did your hair ended up like that?" Tanong nito at tutok na tutok ang mga mata nito sa buhok ko.

"I don't know. I was just practicing my ability lastnight and nothing else. I slept and when I woke up, my hair is already like this." Sagot ko naman rito. Nakakapagtataka lang talaga siya. Tsaka aani na naman ito ng atensyon sa academy dahil syempre brown na buhok ko ang nakasanayan nila.

This is my life now, here in the Elite dorm. Hindi ko makakalimutan kung paano ako dinala rito ni Yuan ng sapilitan. That jerk, until now I loath him. Nope, hindi naman loath, I just hate him from dragging me here kahit ayoko naman talaga.

"Baka dahil effect yan ng abilidad mo." Saad nito sa akin. "Like Violet, since she's the water weilder ay likas na sa family nila ang kulay bughaw na buhok."

Yun din ang naisip ko, dahil wala talaga akong ibang maisip bukod doon. Hindi uso dito ang magpakulay ng buhok at tsaka hindi rin ako mahilig nun. Hindi naman pangit ang kulay ng buhok ko para baguhin yun.

"Baka nga." Sang-ayon ko na lang din dito. Yung kuwarto ko pala dito sa Elite dorm ay nasa top floor. Ang taas taas buti na lang at special itong dorm nila at may elevator, baka mamatay ako sa kakaakyat panaog dito. Sa baba ko ay kuwarto ni Luna kaya malamang siya lang ang nakarinig sa mala celine dion ko na sigaw.

"Teka anong oras na ba?" Tanong nito at tumingin ito sa relo nito. "6 am, maaga pa. Sabay na tayo mag-agahan." Saad nito at tsaka lumabas na ito ng banyo.

Naiwan naman akong nakaharap sa salamin at napabuntong hininga na lang. Naligo na lang ako dahil kahit anong gawing titig ko sa salamin ay di mababago ang kulay ng buhok ko at di maibabalik sa dati.

•••

Bumaba na ako at kasama ko nga si Luna. Nakasuot pa rin ako ng salamin dahil hindi talaga ako komportable na hindi ito suot. Lagi akong nakakasalo ng mga matatalim na irap ni Violet habang si Jin at Avis naman ay parang namamagnet na ang mga mata sa akin. Nakaka-awkward sa totoo lang, yung feeling na tinitingnan ka ng harap harapan.

Pumanhik kami sa dinning area at nadatnan na rin namin ang ibang myembro ng Elite na nakaupo na rin at tila kami na lang ang hinihintay. Umupo na kami ni Luna sa may bakanteng upuan at tsaka nagsimula na kaming kumain.

"What happened to your hair?" Nagtatakang tanong ni Avis habang titig na titig sa buhok ko. "Don't get me wrong. It looks better on you but why?"

Napatingin naman ako kay Avis. Nakita ko rin si Jin at Yuan na nakatingin sa akin at halata sa mga mukha nito ang pagtataka kung ano ang nangyare sa buhok ko.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon