Chapter 199

847K 29.9K 31.6K
                                    

A/N: NO EDIT! Sorry for the wrong spelling and grammar.

LIKE OUR OFFICIAL FB PAGE!!!!
Ang Mutya ng Section E fb Page!

LIKE OUR OFFICIAL FB PAGE!!!!Ang Mutya ng Section E fb Page!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Game of Pain

Jay-jay's POV

"Lapit na!" Sigaw ko.

Tignan ko ngayon tapang nyo!

Bwisit tong mga lalaki na to! Umaga'ng-umaga gagalitin ako. Basta-basta nalang nila kong hinarang habang naglalakad papunta sa Mini Mart.

Kasalanan to ni Percy! Kung dun nalang nya ko sinundo sa harap ng bahay, hindi sana ganito. Hindi ko sana masasalubong tong mga panget na to.

Kakairita yung mga pagmumuka!

"Tang'na! Walang nagsabi na marunong lumaban ang babae na to!" Sabi nung isa.

"Malay ko ba!"

"Panu na yan? Panu natin sya makukuha?"

Makukuha?! Na naman?!

"Anung makukuha?!" Iritable kong tanung.

Napatingin ako sa binti ko ng may maramdaman akong kamay na humawak. Isa dun sa mga lalaking napabagsak ko kanina. Agad ko syang sinipa sa muka para bumitaw.

Knock out!

"Kukuhanin nyo ko?! Bakit?! Para magamit kay Keifer?!" Inis na tanung ko.

Walang sumagot. Nagtinginan lang sila na para bang naghihintay kung sinong magsasalita.

"Ano?! Walang magsasalita sa inyo?!" Galit na tanung ko at tinapakan yung muka ng isa sa kasama nila.

Muka kasi syang basahan!

"Oo na! Gagamitin ka nga namin para makaganti kay Keifer! Ikaw ang girlfriend----." Agad kong pinutol ang sasabihin nya.

"Hindi ako! Hindi nga naging kami eh!"

Taka nila kong tinignan. Alam ko namang hindi sila naniniwala dahil mga bugok sila. Lahat naman yata ng naabutan ng tsismis na yon hindi maniniwala sakin.

Bwisit kasi! Eto na naman kami...

Bakit ba kasi ako ang binabalikan ng mga kaaway nya? La Punyeta! Malakas ang kutob kong hindi ito ang huling kaaway nya na gagamitin ako. Malamang nga pati yung mga naka-motor dati kaaway din nya.

Bwisit ka talang Hari ng mga dimunyung Ulupong! Isinusumpa kita! Magsasara butas ng pwet mo!

Ako si Barakuda! Hhhaaaaahhhh!!

"Hoy! Miss! Hindi kami tanga!" Sigaw ng isa sa kanila. "...Hindi mo kami maloloko!"

"Hoy! Mister! Tanga ka!" Pang-gagaya ko sa sinasabi nya. "...at hindi ko kayo niloloko!"

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon