Chapter 23 (Fight part 2)

223 10 0
                                    

Drix's P.O.V.

sinuntok ko sya sa mukha dahilan para matumba sya at pumutok ang labi nya.

"Ano ka ngayon?!! Mayabang ka lang!! Wala ka naman palang ibubuga eh. Bakit Hindi nalang ang pagpapatangkad ang pag kaabalahan mo!!" Sigaw ko sa kanya.

Nakuha na namin ang atensyon ng lahat dahil tapos na ang lunch time may mga kaklase na kaming nagsisibalikan dito sa classroom.

Pero wala akong pakielam!!! Tuturuan ko ng leksyon ang pandak na ito .

Susugurin ko pa sana sya ngunit mabilis syang nakatayo at binigyan ako nang malakas na suntok.

Hindi ko ininda ang putok na labi ko at sinugod  din sya. Sinipa ko sya sa tiyan dahilan para mapaluhod sya sa sakit.

Kinuha ko naman ang pagkakataon na yon para sipain ulit sya sa mukha. Napahiga sya sa sahig ngunit mabilis ulit syang bumangon at ngumisi lang sa akin.

"Ang cute mo talagang magalit Drix. Kaso mas gwapo pa din ako sayo" mayabang na sabi nya.

Aba't......

Huli na ng mapansin ko syang palapit saakin at nasipa nya na ako sa mukha.

Sh*t yung mukha ko!!! Ilang araw ang pasa nito!!!.

Susugod pa sana ako nang manlaki ang mata naming dalawa sa nangyare.

Muntik na kami dun!!!.

Trixie's P.O.V.

Dismayado ako tumayo sa inuupuan ko at nagsimula na ding maglakad papunta sa room namin.

Kung ano mang tinatago nyo malalaman at malalaman ko din yun.

Akala ko sasagutin ako ni Jorenz pero gaya ng iba he just left me with unanswered question.

Argh!!!! Nakaka inis!!!!...

Malapit na ako sa classroom namin nang mapansin Kong nasa labas lahat ng kaklase ko pati sila Alex.

Kunot noo akong naglakad palapit sa kanila. Nakasandal lang si Alex sa dingding sa tapat ng pintuan ng klase namin at nakangisi. Si Jayson naman at nakapamulsa lang na nasa tabi ni Alex si Melanie naman at naka cross arms lang na salubong ang kilay.

Ano bang pinapanuod nila? nang makalapit ako ay napatakip nalang ako sa bibig ko sa nakikita ko.

Si Drix at Jacob nasa loob ng classroom at duguang nasusuntukan!!!!.

"Bakit kayo nanonood!!" Nag-aalalang sigaw ko sa kanila.

Sinamaan naman nila ako ng tingin. Pero binalewala ko lang yun .

"Nagpapatayan na sila!!!" Sigaw ko pa.

"Sa tingin mo kaya pa naming awatin ang dalawang yan!" Sigaw din sakin ng kaklase ko. Nakikita ko din sa mga mata nya na nag-aalala sya.

Nilingon ko sila Alex na pinapanood lang ang kaybigan nilang nakikipagpatayan. Lumapit ako sa kanya at hinarap saakin.

Bakas naman sa muka nya ang inis dahil naudlot ang panunuod nya ng patayan ni Drix at Jacob.

"Hindi mo man lang na pipigilan ang kaybigan mo!!??" Sigaw ko sa kanya. Napasinghap naman ang mga kaklase ko sa ginawa ko.

Well isang Alex Tyler Kim lang naman ang sinigawan ko.

Ang kinakatakutan ng lahat.

Ang may-ari ng eskwelahang tinutung-tungan ko ngayon.

Kung sa ibang pagkakataon baka kanina pa ako tumakbo sa paraan ng pagtitig nya saakin. Pero iba ito! Kaybigan nila ang pinag-uusapan dito!!. Bakit parang wala silang pakeelam kung duguan na ang kaybigan nilang nasa loob ng classroom!!.

My Evil FiancéeWhere stories live. Discover now