Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

TDHU 12: Chasing the Truth

239K 6.3K 1.4K
                                    

TDHU 12: Chasing the Truth

DEVI PARKER

Napamulat ako ng mata at saktong napatingin sa maliit na lamesa rito sa sala. Bumungad sa 'kin ang mga damit at may Black sticky note roon na may nakasulat na kulay puti ang tinta. Familiar.

Binibini, wear this, or I'll put it on you :-! Make sure to attend your class bc I'll make sure to see you.

Napanguso ako at napatingin sa tuhod ko. Hindi ba puwedeng magpahinga? Nagkapasa na nga ako sa mukha, may benda pa ang braso ko tapos may mga sugat pa sa tuhod. Hoy! Nimal na kamalasan 'to!

Tumayo ako at ginawa ang routine ng isang normal na estudyante. Kumain, mag sipilyo, maligo at magbihis. Tapos na ako't lahat-lahat at palabas na sana habang sinusuklay ang buhok ko nang mapatingin ako sa labas ng pinto. Napahinto ako at sa 'di kalayuan ay may nakita akong isang taong nakaitim habang nakaharap sa akin. Tulad ito ng lalaking humabol sa 'kin kagabi. Sandaling napakurap ako ngunit agad nawala na ang taong 'yon.

Naglakad ako malapit sa pinto para silipin ang taong 'yon. Nang hindi pa ako nakasisilip ay agad akong nakarinig ng putok ng baril at tumama ito mismo sa suklay na hawak ko. Ilang minuto pa bago ko maproseso ang lahat at ilang sandali ay dali-dali na akong tumakbo at nagtago sa couch. Muli na namang nanginig ang buong katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

bang!

"Tangina!" Hindi ko napigilang magmura nang bumaril ulit siya at sa couchna iyon tumama. Sunod-sunod siyang bumaril hanggang sa unti unting nabubutas ang couch at lumulusot na ang bala nito. witwiw

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog na iyon at akala ko si Demon. Si Clover pala iyon na nasa may hagdan, nagtatago sa gilid ng pader habang may hawak na baril.

"Kapag nagbilang ako ng tatlo, gumapang ka paputa sa CR at duon ka lang," bulong niya na halos pasigaw na para lang marinig ang sinasabi niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Itinaas na niya ang kamay niya at unti unting nagbilang hanggang sa umabot ito ng tatlo. Ginawa ko kung ano ang sinabi niya. Tumakbo na ako papuntang CR saka siya nag-umpisang patamaan ang taong nasa labas. Ini-lock ko ang pinto pagkapasok ko at rinig na rinig ko pa rin ang putukan nilang dalawa.


CLOVER REYES

Hinintay ko munang makapasok si Devi sa loob ng CR saka ko pinaulanan ng bala ang sinumang taong 'to at mukhang may balak siyang masama kay Devi. Mukhang nagkakanda-malas-malas na ang buhay niya magmula nang sumama siya sa grupo namin.

Ilang bala na rin ng baril ang nasayang ko at mukhang nakailang tama na ako sa kanya. Ilang minuto na rin na wala siyang ginagawa kaya lumabas na ako para tiningnan kung humihinga pa ba ang taong 'yon pero lintek! Wala na ang taong 'yon! Ang bilis niyang makatakas.

"Tsk!"

Itinapon ko ang baril dahil wala naman na 'tong bala at pinuntahan na si Devi sa CR. Pakiramdam ko nahimatay na 'yon sa takot.

tok-tok-tok

"Devi!"

"Sino ka?!" sigaw niya mula sa loob. Natawa ako. Halata ngang takot na takot siya sa nangyari kanina.

"Ako 'to si Clover. Lumabas ka na riyan. Okay na."

"S-sigurado ka?"

"Oo." Sumilip-silip muna siya bago lumabas ng pinto. "Maiwan muna kita at may aasikasuhin pa—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilain sa laylayan ng damit ko.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay KwinAlpha, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni KwinAlpha
@QueenABCDE
The hidden daughter of the Parkers, Devi, longs for acceptance and ha...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 48 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @QueenABCDE.
The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon