14- Silver Eyes

8.2K 430 37
                                    

"Rifka. Rifka, wake up."

"Why don't you leave her alone? She wants to sleep so let her," naiinis na sabi ni Tiana. Kanina pa kasi ginigising ni Malik ang kanyang roommate na daig pa mantika kung matulog. Naiingayan na tuloy siya.

"Tiana, she has morning classes," ani Deus na nakatayo sa may pintuan.

Mas sumimangot si Tiana dahil sa concern na nakikita niya sa mga mukha ng kakambal at kababata. Dati, si Auberon ang kaagaw niya sa atensyon ng mga ito. Nawala nga ang babae last year pero pinalitan naman ng iba na mas nakakainis. Hindi n'ya talaga feel itong bago niyang roommate. Masyado kasing weak. Isa pa, nakakakuha ito ng atensyon at simpatiya kahit na wala naman itong ginagawa para ma-deserve ang mga 'yun.

"Bahala na nga kayo. Just shut up and don't bother me," aniya saka nagtungo na sa kusina at naghanda ng makakain n'ya.

Alas-siyete na ng umaga at may pasok siya ng alas-nuwebe. Nakakaisturbo ang presence ng mga lalaking 'to na kay agang nambulabog ng tulog n'ya para i-check sila ni Rifka.

Kagabi lang natapos ang Moonless Week pero kailangan pa ng ibang bampira ng isa o dalawang araw para tuluyang makabalik sa tamang huwisyo. She would expect other students and professors to be robot-like this whole day.

"Nagwala yata ng sobra 'yan kagabi. Tingnan n'yo, isang kamay na lang ang may kadena. Sobrang pagod pa," komento ni Cole na nakasilip sa may pintuan.

"First time n'yang magapos eh. Instinct mo talaga ang kumawala kapag ganyan ang sitwasyon. Biruin mo, isang linggo niyang tiniis kahit na hindi siya sanay. Walang reklamo," sagot naman ni Malik na sumuko na yata dahil lumabas na ng silid at at-home na naghanap ng makakain sa fridge nila.

"Why do you give her so much attention? Sino ba s'ya? Hindi natin s'ya kaanu-ano. She's just my roommate," iritable niyang komento saka nagpatuloy sa paglalagay ng jam at peanut butter sa dalawang slices ng wheat bread.

Nang walang sumagot ay nagtaas siya ng tingin at saka lang niya nalaman na masama pala ang tingin sa kanya nina Malik at Cole samantalang seryosong nakatitig sa kanya si Deus.

"What?" mas nairita tuloy siya.

"Tsk, tsk, tsk. Same selfish Tatiana Savenne," naiiling na sabi ni Cole.

"Shut up," asik niya sa nakababatang kapatid.

"Ano ba ang ginawa n'ya sa'yo para magalit ka sa kanya ng ganito?" tanong ni Deus. Alam niyang naiinis ito sa kanya pero hindi lang nito sinasabi o pinapakita.

"Hindi ako galit sa kanya," aniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Then what is this hostility all about?" ani Malik.

"Just."

"Just stop it. Wala ka namang mapapala d'yan," ani Deus saka lumabas na ng dorm room nila. Walang salita na sumunod si Cole at umiiling na lumabas na rin si Malik. Ni hindi nagpaalam ang mga ito sa kanya.

Mas nainis tuloy siya.

Napahinga siya ng malalim. Wala talagang nakakaintindi sa kanya.

---

Dahan-dahang tinanggal ni Rifka ang kadena mula sa kanyang kaliwang kamay. Nanghihina siya. Gusto niyang umiyak.

Narinig niya ang usapan ng mga kasama sa labas. Wala naman siyang ginawang masama kay Tiana. Bakit ayaw nito sa kanya? Should she do something to win her roommate's favor? At bakit n'ya naman gagawin 'yun?

Umupo siya sa kanyang kama at tiningnan ang kanyang kaliwang palapulsuhan. Namumula iyun ngunit dahan-dahan nang gumagaling at bumabalik sa normal nitong kulay.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon