Chapter 31: Please Be Careful With My Heart

60.2K 899 106
                                    

Chapter 31: Please Be Careful With My Heart

"Pwede na ba kitang maging girlfriend?"

Tama ba yung narinig ko? Kung ganon edi, YES! Yes, yes, yes!

Pero hindi ko iyong nasabi ng buo. "Ahm... wow. Nakakagulat 'yun ah. Ang galing mo talaga sa surprises. Kaso nga lang..."

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, sabihin mo lang, hindi ako magagalit."

"Gusto ko!" Bigla akong napasigaw kahit na nagdadalawang isip ako na nagdulot naman ng ngiti ni King. Natuwa naman siya dahil nagmukha akong pakipot sa harap niya. "Ano lang kasi... nabigla lang ako. Wala man lang ligawan."

Tumango siya sa paliwanag ko tapos hinila na ako para maglakad. Hindi na rin nabuksan yung topic kung gusto ko mang mging girlfriend niya o hindi. So, girlfriend na ba niya ako? Parang kahit ako hindi ko alam yung sagot. Ang gulo naman oh.

SABADO NG HAPON dumagsa ang mga kamag-anak at ilang officemates ng mga magulang ko para sa 25th anniversary nila. Busy ako buong umaga habang nagde-decorate kami nina kuya, Inna at Joana sa garden namin kaya hindi ko naibaling yung isip ko sa kung anu-ano. Pero ngayong nakasilip lang ako sa bintana namin at hinihintay si King, kinakabahan ako. Pupunta ba siya? Tapos nung napatingin ako sa mga kamag-anak ko mas kinabahan ako. Hindi ata ito yung tamang time para imbitahan si King sa bahay. Dapat one step at a time. Immediate family muna dapat bago yung ibang relatives.

Eh bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman as if ipapakilala ko sa kanila si King dahil may malaki akong announcement, say, magpapakasal kami. Habang tumatagal na wala siya, mas nagiging nerbyosa ako sa kinatatayuan ko.

Naalis ako sa pag-iisip noong may malakas na katok sa pinto. Tumigil muna ako sa salamin para tignan kung maayos pa yung itsura ko saka ko binuksan yung pinto. Nandoon si King, naka polo shirt tapos may hawak na flowers.

"Good evening, Kulot. Late na ba ako?"

"Hindi pa naman," tinignan ko yung hawak niyang flowers. "Sa 'kin ba 'yan?"

Ngumiti siya pero hindi niya inabot sa aking yung flowers katulad ng ine-expect ko. "Itong mga lily? Para sa Mama mo."

"Pahiya konti, bukas bawi," sabi ni Kuya sa likod ko. May hawak siyang isang case ng beer na hula kong ipinautos na ipakuha sa kanya ng mga tito kong mahilig sa alak. Napakapangit talaga ng timing ni Kuya. "Hindi mo ba papapasukin yung bisita mo? You're so rude, Sofia," nag-nod siya sa direction ni King. "Pagpesensyihan mo na yung kapatid ko ah. Halika, halika. Pumasok ka," inakbayan niya si King na parang mag-best fiend sila at lumabas na papuntang garden.

Buong gabi parang si Kuya ang nag-imbita kay King sa party nina Mama at Papa. Siya pa nga yung nagpakilala kay King sa mga kamag-anak namin.

Nakaupo ako sa tabi ng pinsan ko at nilalaro si Ippo, yung baby niya. Noong iniangat ko yung ulo ko para tignan si King-na minu-minuto kong ginagawa-nakita kong nakatingin din siya sa akin at ngumiti noong tumama yung tingin ko sa kanya. Nginitian ko din siya. Tatayo na sana siya kaso lumingon sa kanya si Tito Anton at may sinabi sa kanya. Malas. Paniguradong isang oras pa si King doon kung si Tito Anton yung kumakausap sa kanya. Panigurado basketball ang pinag-uusapan ng mga 'yon.

"Bakit ngayon ko lang nalaman na kayo pala ni King?" Umupo sa tabi ko si Joana at pinisil yung pisngi ni Ippo.

"Hindi kami."

"Oh? So anong ibig sabihin ng pasulyap-sulyap ninyo?"

"Wala namang masamang tignan si King ah."

"Alam mo sa mga kinikilos mo yung mga tita natin nagchi-chismisan na. Ano bang meron sa inyo?"

Sinoli ko muna si Ippo sa pinsan ko tapos hinila ko si Joana sa buffet table. "Hindi ko pa din alam eh," nag-hesitate ako pero sinabi ko kay Joana yung bumabagabag sa isip ko. "Jo, gusto niya akong maging girlfriend. Anong sasabihin ko?"

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon