Magic 2

10.9K 263 13
                                    

Si Night nasa Multimedia

XXX


Chapter 2: The castle of Arzena kingdom


Raven's pov


Pagdating ko sa Norvill city na mahanga ako sa taglay nitong ganda . Matataas na gusali at magagarbong daanan . Halos hindi ito ang inaasahan kong makita dito .




Ibang iba sa Belmoor city sa bayang aking pinaggalingan. Mas maayos dito at mahahalata mong lahat ng naninirahan dito ay matataas na dugo dahil sa mga kasuotan nila at pananalita .



Napatingin tuloy ako sa mga suot nila at sa suot ko. Nagmukha akong basahan sa suot ko .




Pagpasok ko sa misyong syudad bumungad sakin ang pamilihan na ubod ng daming ng taong bumibili. . Iba't ibang pagkain at gamit ang iyong makikita rito.



Sa bawat nadadaanan ko napapatingin sa akin dahil siguro naiiba ang aking kasuotan sa karamihan . Ngunit sinawalang bahala ko ito . Hindi sila ang pinunta ko rito .



Naglalakad lakad muna ako hanggang nakakita ako ng mauupoan ko . Itinali ko muna ang aking kabayo sa gilid ko sabay umupo ako sa upuang bato . Sa likod nito ay may fountain na sobrang ganda . Siguro ito ang gitna ng syudad.



Nung nakaramdam ako ng gutom ay kinuha ko ang natitira kong tinapay sa aking dalang supot . Kumain muna ako bago pumaroon sa palasyo .


Mula rito nakikita ko na ang magarbong kaharian ng Arzena . Kulay puti ito na sobrang ganda . Mahahalata mong isang maunlad na kaharian ito . Dahil sa disensyo nito at palamuti .



'Kuya, ate pede po bang makahingi ng pagkain kahapon pa po kasi kami di nakain ' napagawi ang tingin ko sa isang batang babae na naglilimos sa isang lalaki at babae di kalayuan sa inuupoan ko .



Sobrang nakakaawa ang lagat nito dahil sa madumi nitong suot at balat pati narin ang kapayatan nito . Kung walang kumopkop sakin siguro ganyan din ako sa batang yan .



'Go away child! Ang dumi dumi mo dung ka nga !' Sambit nung lalaki sabay tulak dun sa bata

Napatayo ako dahil don . Hindi na nga nila binigyan tinulak pa nila .



Pumunta ako sa kinaroroonan ng batang babae at tinulungan itong tumayo 'okay ka lang ' tanong ko


Tumungo ang bata at di sinagot ang tanong ko 'ito kumain ka muna ' alok ko sabay bigay ng tinapay na kakainin ko dapat


Tumingin ito sakin sabay ngiti 'salamat po ate ikaw lang po ang mabuti sa lugar nato '


Nginitian ko naman sya . At tinignan ko ang paligid . Tama ang bata puro walang puso ang mga narito . Maayos at magaganda ng ang kanilang kasuotan ngunit walang mabuting loob. Mabuti pa sa Belmoor city. Kahit mahirap na bayan yun walang gantong klaseng tao.



Nagpaalam sakin yung bata sabay karipas ng takbo . Sayang saya sa binigay kong pagkain . Kaya bumalik ako sa inuuponan ako at uminom na lang ng tubig.



(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon