PROLOGUE

30.4K 783 38
                                    

A/N:  Uploaded July 8, 2017

Dedicated to the first ever commenter!

Today, July 15, 2017, Sukiyaki reached 1K reads! Thank you for all your support!

Today, September 5, 2017, Sukiyaki reached 10K reads! Thank you for all your support!

Today, March 24, 2018, Sukiyaki reached 100K reads! Thank you for your your support!

Sa mga nagtatanong ng hitsura ni Kaito, hayan na sa itaas.  Ganyan ko siya pini-picture out!  :)

**********

Naramdaman ko ang kamay niyang masuyong humahagod sa likuran ko. Parang nilalaro-laro ng daliri niya ang sugpungan ng suot kong bra. Bigla akong na-excite. Sumidhi ang pananabik ko nang dumausdos ang kanyang kamay sa puno ng pang-upo ko at basta na lang tumigil doon. Saglit na naghiwalay ang mga labi namin at tinitigan niya ako. Hindi ko na halos maibuka ang mga mata sa tindi ng nararamdaman, pero bago ko uli maipikit iyon nakita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Then, I felt his lips on my neck. Napaungol ako. No'ng una saglit lang, ngunit nang pinasok niya ang kamay sa loob ng blusa ko para na akong malanding kuting. Bago pa ako madala ng silakbo ng damdamin, naalala ko ang bilin ni Ate Roselda kung kaya parang may sariling pag-iisip na gumapang ang isa kong kamay sa kanyang harapan. Napaungol siya nang mahagilap ko na ang sadya. Ako nama'y nagulat, dahilan para bigla na lang akong mapadilat. Napaupo pa ako nang matuwid at yumuko para kompirmahing tama nga ang nakapa ko. Napanganga ako sa bumulaga sa aking paningin. Mahabaging Diyos! Anaconda!

"Bakit? Akala mo ba bulate?" nakangisi niyang tanong. Nag-init ang mukha ko. Nang ma-realize ko ang implikasyon ng kanyang sinabi, lalo akong pinamulahan. Diyata't alam niya ang palasak na biruan ng mga Pinay tungkol sa kanilang mga Hapon.

Tinitigan niya ako nang matiim. Tapos, bumaba ang mga mata niya sa half-exposed kong dibdib. Awtomatikong napakurus doon ang magkabilang braso ko. Huli na para umastang Maria Clara, pero bigla akong nahiya.

"Too bad, I kind of like you but---"

I felt insulted.

"But what?" agaw ko. I gave him a defiant look.

"Kagaya ka rin pala ng iba mong kalahi. Walang mas importante kundi ang kargada ng isang lalaki. You're pretty shallow," sabi pa niya at kumuha ng sigarilyo sa glove compartment ng kotse at nagsindi. Pinausukan ako ng kumag.

"Nagsalita ang hindi shallow. Hindi ba't ganyan din kayong mga lalaki? Walang mas importante kundi ang laki ng hinaharap naming mga babae?"

Humitit na naman siya ng sigarilyo bago tumingin sa akin. He looked so hot. Nakadagdag points na alam ko nang hindi siya tulad ng ikinukuwento nila Ate Roselda. Kahit ngayong unti-unti nang nanlupaypay ang alaga niya'y mukha pa ring makamandag. I could stare at it forever.

Nang umangat ako ng tingin nakita ko siyang nakatitig na naman sa akin. Wala na siyang hawak na sigarilyo. At wala na rin ang naughty smile. Ang tanging naroon ay ang kanyang icy, cold stare.

"Get out," sabi niya sa mahinang tinig.

Nagulat ako. Tama ba ang dinig ko?

"I said, get out of my car!" asik niya sa akin.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Madilim na sa paligid. Nakatatakot. Dahil hindi ako nakakilos agad, sinigawan na naman niya ako.

"I said, get out!"

"Oo na, bababa na! Hwag lang po kayong sumigaw dahil hindi po ako bingi!"

Nakita kong napadiin ang hawak niya sa manibela. Nakatago na rin ang anaconda niya.

"Balat sibuyas! Hayop! Walang modo! Mabangga ka sana!" sunud-sunod kong tungayaw sa kanya bago ko isinara nang pabalibag ang pinto ng sports car niya. Imbes na sagutin ako, pinaarangkada niya ang sasakyan. Napatakbo ako sa gilid ng daan sa takot na baka pati ako'y pahagingan niya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, naghahanap ng mapagtatanungan subalit wala halos dumadaang tao. Ang narinig kong tunog ng tren ay malayo sa kinaroroonan ko. Binalot tuloy ako ng takot. Kung bakit sumama-sama pa ako sa demonyong iyon. Nakakainis! Si Tita Chayong ang may kasalanan nito, e!

Nang makakita ako ng ojiisan (lolo) sa unahan nagkapag-asa ako. Lumapit ako sa kanya para magtanong sana pero napaatras ako dahil bigla na lang sumulpot buhat kung saan ang kasama niyang matanda rin. Pareho silang amoy alak.

"Hmn, may anghel na bumaba sa langit para paligayahin tayo!" sabi ng lolo sa kasama niya sa salita nila. Dumila-dila pa sila sa labi habang nakatingin sa akin. Ninerbiyos ako. Hindi na ako nakapagtanong. Tatakbo na sana ako palayo, nang bigla akong hinablot sa braso ng isa sa kanila.

"O, saan ka pupunta? Dito ang daan papuntang langit," naglalaway pang sabi niya sabay tawa nang malakas. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.

"Hayop, bitawan n'yo ako!" sigaw ko at dinuraan ko pa sila. Nagalit ang isa. Sinampal niya ako. Pakiramdam ko tumabingi ang mukha ko sa lakas ng tama ng palad niya. Nang akala ko'y mapapariwara na ako sa dalawang bungi na'y mababaho pang ojiisan, biglang bumalik ang kotse ni Kaito. Galit siyang bumaba sa sasakyan at inagaw niya ako sa kamay ng mga lolo. Hindi na ako nag-inarte pa. Sumama ako nang matiwasay. Tahimik kami sa loob ng sports car niya hanggang sa maihatid niya ako sa bahay ni Tita Chayong.

"I hate to admit it but---I still like you," bigla na lang ay sabi niya pagkababa ko. Napasilip pa tuloy ako sa loob ng kotse. Nakita kong nakatingin siya nang deretso sa kalye at nakahawak nang mahigpit sa manibela. Nakita ko pang gumalaw-galaw ang kanyang Adam's apple. Parang hirap siyang kontrolin ang damdamin.

Nainis man ako sa kanya kanina, naglaho na iyong parang bula. Mapa-flatter na sana ko nang tumingin siya sa akin nang seryoso saka nagsabi ng, "How I wish you're not a slut, but it seemed like it's just wishful thinking."

Grabe akong nainsulto. Babanat na sana ako ng ala-Gabriela moves ko nang pinaharurot na niya ang kotse gaya ng ginawa kanina. Nabwisit na naman ako kaya sinigawan ko siya.

"Kahit kailan, ang bastos mo! Hindi lahat ng Pinay, mababang uri! Hayop ka!"

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon