Chapter 9 ~ It's NOW or NEVER
October 3, 2006
October na. Dalawang linggo makalipas ang birthday ni Anika.
"Vielica?"
"Hmm?" tanong ko kay Harvey nang hindi lumilingon. Pumipili kasi ako ng movie na pwedeng panuorin mamaya pagkatapos ng celebration ng birthday ni Vince at siya nanggugulo ng gamit ko. Ang bagay na pinakagusto niyang gawin. Napansin ko lang, tinawag na ba niya akong Viel?
Birthday ni Vince ngayon at wala pa siya. Nanlibre siya sa mga kaibigan niya. Kagabi naman kami nag-celebrate as family dahil wala ang parents namin sa araw. Okay na rin yun, at least na-celebrate. Pero syempre gusto ko pa rin na mag-celebrate ang kapatid ko on the day of his birthday. Kahit kami-kami lang.
"Nagka-boyfriend ka na?" This time, napalingon na ako sa kanya pero tumingin ulit ako sa mga movies saka nag-salita.
"Hmm. Marami akong suitors pero hindi pa. Ikaw ba nagka-girlfriend na?" Hindi nab ago na nandito siya sa bahay. Madalas naman kaming nandito. Ewan ko ba pero super close na talaga namin. Pero kahit ganun, nagbabangayan pa rin kami. Hindi kami si Veilica at Harvey kung walang asaran.
Close na rin kami sa pamilya ng isa't isa. Malamang friends na talaga sila eh. Ngayon lang kami totally na-expose dahil nga nandito na ulit si Tito Harold. Ang totoo niyan, kakauwi palang namin from school. Dito agad dumiretso si Harvey. Adik lang, ano?
"Hindi pa din eh. Ayoko pa kasi. Hindi sa pagmamayabang pero kahit na maraming nagkakagusto sakin, hindi ko pinapansin."
Tumango-tango ako. "Oooh. Tingin mo ba magkaka-girlfriend ka pa?"
"Ewan ko. Siguro naman, oo. Uhh. Bading man pakinggan pero hinihintay ko kasi yung para sakin talaga. Yung tinatawag nilang naka tadhana para sayo. Ayoko kasing magaya sa daddy ko." He grimaced after saying that. His mother must have wounded him so deeply. Thank you nalang kay Tita Marie. Hindi lang si Tito Harold ang tinulungan niya kundi pati ang anak nito.
"Ah. Hindi naman bading eh. Everybody wants to have that "one and only". Tama lang na maghintay. Eh sa tingin mo, kelan siya dadating?"
"Feeling ko nakita ko na siya eh. Ewan ko nga lang kung ako din yung gusto niya. Pero sana, ako nalang. Para siya na yung one and only ko. Hehe," sabi nito saka ngumiti. Napangiti nalang din ako.
After he said that, I felt some pain. Am I jealous? I think it's... It's love. Kasalanan talaga 'to ni Vince eh. Kung hindi niya lang birthday, sisipain ko siya papunta sa Mars.
Sighs. Sana. Sana ako nalang rin yun.
Nakarinig kami ng bukas ng gate at agad akong tumakbo sa pababa, pagtingin ko, pumasok na si Vince sa pinto. Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto.
"Harvey, nandiyan na siya!" Agad naming ni-ready yung banner na pinagtulungan namin kasama si Anika at Kyle. Pero wala sila dahil parehong may lakad. Sayang.
"HAPPY BIRTHDAY, VINCE!" sabay naming sigaw. "RENZO!" pahabol ko pa. Hahaha. Nakalimutan pa ni Harvey. Nakita ko naman sa mukha ni Vince na nagulat siya tapos napangiti.
"Well, mukhang tayong tatlo ang magce-celebrate ng birthday mo. Tara, dali! May sorpresa pa kami sayo sa kusina." Ngumiti ako nang malapad at binaba na namin yung banner tapos hinila ko siya papunta sa kusina. Pagdating namin doon, nandun sa wall yung mga printed pictures ng mga taong malapit sa kanya kasama siya, kadikit yung mga message nila. Isa-isa niya yung binasa.
YOU ARE READING
Keep Smiling :)
RomanceSomeone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?
