15- SA Vs Witches Vs Vampires

7.5K 369 16
                                    

Nakayuko lang si Rifka habang naghihintay ng sagot mula kina Deus, Malik at Cole. Ipinakita na rin niya ang note ng Triad para sa kanya. Sinabi ng sulat na siya lang ang magpunta but she really couldn't risk going there alone.

Mao-awkward na sana siya dahil ang tahimik ng tatlong lalaki na in-ambush lamang niya sa may library kung hindi lang sana tumawa ng malakas si Malik. Masamang tingin tuloy ang natanggap nila mula sa ibang mga estudyante.

"Akala ko pa naman galit ka sa amin kaya hindi mo kami pinansin," sabi nito na parang relieved na relieved.

She told them she did not hear Malik kaya hindi siya lumingon. Lie. A big fat lie. Hopefully, Malik couldn't get in in her thoughts.

"Are you sure you want to meet this Triad?" seryosong tanong ni Deus. Nag-aalala ito lalo na at sinabi niyang grupo ito ng evil witches.

"Gusto kong malaman kung ano ang kailangan nila sa akin," determinado niyang sagot.

"Why don't we just capture them and bring them here to be interrogated?" suggest naman ni Cole. He didn't care really. He just wanted to say something. Anuman ang desisyon ni Deus ay tiyak na susunod ito.

"That sounds easy but we don't know what this Triad can do. Paano kung malakas pala sila kaysa sa atin?" sagot naman ni Malik.

"One of the most important things to remember before going to a war, do not ever, and I mean ever, underestimate your opponent," lecture ni Deus sa nakababatang kapatid na sumaludo naman.

"You think this will be a war?" ani Rifka.

"Going to meet people who sent you a threatening note is always a war, Rifka," ani Deus.

"Tutulungan n'yo ba ako?"

"You're still gonna go even if we don't help you, aren't you?" taas-kilay na tanong ni Deus at tumango naman siya kaya napabuntung-hininga ito.

"We will go with you then," si Malik na ang tumapos sa kanilang usapan.

"Salamat. Salamat talaga."

Kinagabihan nga ay tatlong anino na nakasuot ng garb ang maaaninag sa may kanang bahagi ng main gate ng academy. Iniiwasan ng mga ito ang mapansin lalo na ng naka-duty na mga guards.

Sa may kaliwa naman ay isang anino ang kampanteng nakaupo sa sanga sa isang malaking punong-kahoy. Nakasuot din ito ng garb katulad ng mga naunang anino.

Huminga si Rifka ng malalim bago humakbang palapit sa main gate. Kailangan niyang dumaan doon upang sa kanya matuon ang atensyon ng Triad at 'wag mapansin ang kanyang mga backup.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng lumabas ng campus," mabagsik na sabi sa kanya ng babaeng Sentry na siyang guard nang gabing 'yun. May tatlo pang lalaki itong kasama.

"May kailangan lang po akong kausapin. Importante. Hindi sila Faiga vampires. Promise," sagot niya.

Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito pero mukhang desidido yata ang mag guards na 'wag siyang palabasin kaya medyo nataranta na siya. Naaninag niya sa labas, sa may di kalayuan, ang tatlong anino at 'yung isa ay may kung anong sombrero pa. Fedora yata.

"Pasensya na, Ms. Strauss, order po kasi sa amin na 'wag kayong palabasin kung mag-isa lang kayo," umiiling na sabi ng babae.

Hindi pwedeng hindi siya makipagkita sa Triad dahil tiyak na may gagawing masama ang mga ito sa academy. They threatened to burn the campus down kung hindi siya sisipot.

"But she's not alone," sabay-sabay silang napalingon sa biglang nagsalita sa may likuran. Sa likod nito ay nakaparada ang isang kulay puti na mamahaling sportscar.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon