Chapter 204

813K 29.6K 20.3K
                                    

Eruption

Jay-jay's POV

Password Incorrect!

Mababaliw na ko sa Application na to. Hindi ko talaga maintindihan ang purpose nito. Hindi ako pinatulog nito at halos hindi ko bitawan ang cellphone ko kaka-tsek lang ng lintik na App na yan.

"Nakikinig ka ba?"

Napa-angat ang tingin ko kay Kuya. Nag-sisimula na naman kasi syang mag-sermon habang hinihintay ang sundo ko.

"Obviously, hindi." Singit ni Aries.

Inirapan ko agad sya. Tinago ko ang cellphone ko dahil masama na ang tingin ni Kuya don.

"Uulitin ko... Bakit hindi ka sumabay kay Yuri kahapon?" Tanung ni Kuya.

"May dinaanan ako." Mabilis kong sagot.

"Saan?"

"Sa----."

Hindi ko na natuloy ang isasagot ko ng makarinig kami ng busina ng kotse. Ilang sandali pa ay pumasok na si Yuri sa bahay at binati ang lahat ng good morning.

"Mamaya mo na sila kausapin. Baka malate sila." Sabi ni Tita Gema kay Kuya.

Nag-nod lang si Kuya at sinenyasan akong lumakad na. Tumayo na ko at naglakad palabas, nilagpasan ko lang si Yuri pero bago pa ko makalapit sa kotse nya huminto agad ako.

Panu kung kasakay ko na naman yung hayop na yon?

Yumuko ako at halos pagapang na lumapit sa kotse. Muka akong tanga na sumisilip-silip sa loob ng kotse mula sa likod. Kayalang dahil likod nga, hindi ko nakikita ang nakasakay sa harap.

Badtrip naman kasi! Panu kung kasakay ko na naman sya? Kakahiya naman kasi sa kanya, dami nyang kotse tapos makikisakay sya. Ano tag-hirap lang?!

Hah! Hah! Karma yan bro!

"What are you doing?"

Nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses na yon. Kulang nalang idikit ko ang muka ko sa salamin ng kotse para lang hindi sya makaharap. Sinasabi ko na eh!

"Again... What are you doing?" Pag-uulit ni Keifer.

Hinahalikan yung kotse!

Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang naka-yuko. Muka tuloy akong bata na kinakagalitan ng magulang. Bahagya akong umubo para alasin ang kabang nararamdaman ko.

"N-none of your business." Kuwaring walang buhay kong sagot.

Lalakad na sana ako papunta sa pinto ng back sest pero biglang hinarang ni Keifer ang braso nya habang naka-sandal ang palad sa salamin ng kotse. Sinubukan kong dumaan sa kabila pero ganun na naman ang ginawa nya. Kinulong nya ko.

"A-anu ba?!" Naiinis kong tanung habang umiiwas pa rin ng tingin.

Panatag na ko sa ganung posisyon dahil alam kong hindi ko makikita ang mga mata nya. Kaylangan kong magpaka-tatag sa harap nya. Kailangan kong ipakita na malakas pa rin ako sa kabila ng ginawa nya.

"Look at me." Utos nya pero hindi ko ginawa. "Look.At.Me."

Wag kang titingin...

"Look..." Hinawakan nya ang baba ko at tinaas ang muka ko. "...At..." pinagtama nya ang mga mata namin. "...Me."

Agad na nagmura ang sistema ko. Nanginig ang kamay at tuhod ko ng makita kong ulit ang mga mata nya. Ang lapit lang ng muka nya sakin.

Yung mata nya....

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon