Magic 4

9.2K 245 22
                                    





XXX



Chapter 4; Stone out of Gold



Raven's pov

Pagkarating namin sa tinatawag nilang square arena dagsa ang mga taong gustong makapasok sa Linford gaya ko at yung iba naman ay narito dahil manonood o susuporta sa kanilang anak o kaibigan .


'Maraming gustong makapasok sa Linford ngyon taon, ngunit madalas naman ay kalahati lang ng mga sumubok ang napapalad' rinig kong sabi ni Madam Felicia

Tinignan ko ang paligid masaabi kong maganda rito dahil may mga ilaw na iba't iba ang kulay na nakasabit sa mga puno at aagaw ng atensyon mo ang isang malaking arena at sa gilid nito ay mga upuan at may makikita karing mga iba't ibang paninda sa paligid.


'Pumila ka na roon iha mukhang magsisimula na ang seremonya ' utos nya

'Sige po ' sambit ko at naglakad na ko papunta sa kumpol ng taong nakapila sa taas ng arena .

Napapansin ko halos lahat ng gustong makapasok sa Linford ay matataas na dugo . At sa tindig pala ay masasabi mo ng marangya ang buhay .


Nanliit naman tuloy ako sa kanila . Para nasa gitna ako ng puro ginto at ako lang ang nagiisang bato . Isang plain na bato sa kumpol ng ginto . Mapapansin agad ang kaibahan ko sa kanila


Natigil ang paglingon lingon ko sa paligid nung bigla akong nakarinig ng tunog ng tambol . Agad na umayos ang kaninang magulong pila namin at ang atensyon ng lahat ay nag fix sa unahang bahagi


'Magbigay pugay Sa hari ng Arzena kingdom ' sigaw ng isang lalaki sa harapan . Di ko gaanong makita ang itsura ng hari dahil nasa hulihang bahagi ako ng pila at nakatungo rin ako .




'Magandang gabi ' sambit nung hari kaya isa isa na kaming tumingin dito .


Matikas ang pangangatawan ng hari . Kulay brown ang buhok nito at may nakapatong na isang gintong korona at pinaliligiran sya ng mga kawal .


'Hindi ko na papatagalin ang inyong paghihintay . Sisimulan ko na ang pagpili ng mga papalarin na makapasok sa Linford Academy ' dagdag pa ng hari at nagpalakpakan ang lahat


Pina gilid  ang pila namin at isa isa ng nagpakilala sa gitna ang bawat kasali .


Kinakabahan ako sa palapit na palapit na pagtawag sakin sa gitna ng arena . Parang kinakain ako ng takot dahil hindi tulad nila ay wala akong ipagmamalaki at isa lang akong mababang dugo na taga Belmoor city pa .



Ngunit inialis ko sa isip ko ang mga iyon . Hindi ako pumarito para sa wala pumunta ako rito sa iisang mithiin kaya yun lang ang dapat kong isipin .



'Ikaw !' Sigaw ng isang kawal sa akin


Ako na . Oras ko na ...



Nagsimula na kong maglakad sa gitna ng arena . Hanggang humarap na ko sa harapan kung nasaan ang hari at mga kasama nito sa pag pili


'Ano ang iyong ngalan binibini ?' Tanong ng Hari

'R-Raven Spade M-Martell taga Belmoor city ' pagpapakilala ko

Kasabay nun ang pagsimula ng bulungan ng nasa paligid ko .


'Taga Belmoor ka binibini '


'Opo ang tinaguriang pinaka mahirap na bayan sa kaharian ng Arzena ' sagot ko


At lalong umingay ang paligid

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon