chapter 27 - confront

1.1K 68 10
                                    


Sunny's POV

Hindi ko alam kung anong nakain ni Rain at bakit palagi nalang syang nakasunod sakin. Hindi naman sa ayaw ko, actually gusto ko nga eh, sino bang hindi. Anyways, nandito nanaman sya sa table ng barkada ko. Ilang weeks na syang dito, hindi ko alam kung anong trip nya.

Simula nung awayan kuno namin ni Keisha, palagi na syang sumasama sakin. I remembered it again.

I was crying that time. I'm sitting alone in the grass habang tinudo yung pag-iyak ko. I'm alone so why not cry it all right?

I'm really hurt after I thought Rain chose to believe Keisha. Alam kong mukha akong bitch sa mga kwento habang si Keisha yung mukhang kawawa. I'm afraid Rain believed her and that's what I thought.

While crying, hindi ko namalayang may nakaupo rin sa harapan ko dahil umiiyak ako habang tinakpan ko yung mukha ko. Hindi ko nga alam kung ilang oras ba syang nakaupo dun.

And it was Rain.

Galit ako sakanya nun. Ang dami kong sinatsat pero yung reply nya sakin ay isang simpleng 'sorry' lang. I thought nagsorry sya dahil narealize nyang si Keisha talaga yung nauna pero, nagsorry sya dahil sa ginawa ni Keisha.

Sinungitan ko pa sya. Wala akong pakealam nun dahil masakit talaga. As in sobrang sakit. Then sorry parin sya ng sorry.

And then pagkatapos nun, he's following me everywhere. Dinadala nya yung gamit ko, hinihintay nya ako pag nagc-CR ako. Minsan creepy minsan naman nakakakilig. Pero feeling ko, it's because he's making bawi lang.

But I don't care tho.

"So Rain, hanggang kailan ka titigil sa pagsunod kay Sunny?" Tanong ni Cara dito. Nagpatuloy ako sa pagkain ng kung anong nasa mesa namin. As if hindi ko sila pinapansin.

"Hanggang sa mapatawad na nya si Keisha" napatigil naman ako sa pagnguya. Napatingin sina Cara at Melody sakin na parang hinihintay nila yung respond ko. Hindi ko nilingon si Rain at lalong hindi ako sumagot kaya napatingin ulit yung dalawa kay Rain.

Hanggang ngayon, humihingi parin ng sorry si Keisha sakin. Kesyo hindi daw nya yun sinasadya, kesyo pinagtatanggol lang nya si Rain, kesyo sorry sa lahat. Pero hindi ko parin sya pinapatawad.

"What are you looking at me like that?" Tanong ni Rain, "Lahat ng mga ginagawa ko pambawi narin dahil sa ginawa ni Keisha. At lalong kailangan na nyang mapatawad si Keisha. Kawawa naman yun"

Umasa ako.

I admit, nag-assume lang ako. Umasang ginagawa nya to para sakin. Umaasang sa bawat araw na pagsunod nya sakin ay may tumubo man lang kahit katiting na feelings para sakin. Ang kapal ng mukha ko right?

The way he treated me everytime ay parang nafefeel kong inlove talaga sya sakin. Oo na, ang kapal ko na.

But in reality, para kay Keisha rin pala.

"I thought you care for Sunny kaya mo sya sinusundan" agad kong sinapak ang kamay ni Melody kaya napanguso sya. Dahan-dahan ko nalang sinukbit ang bag ko.

"What makes you think like that? I mean, I'm only here for my payment"

"But Rain, bakit hindi nalang si Keisha—"

Agad akong tumayo at pinatong ang palad ko sa mesa,  "Enough, I have to go" sabi ko at tinulak ang sarili ko palayo.

Naglakad ako paalis ng canteen habang pinagsasampal yung pisngi ko at pilit na hindi ilabas ang luha na namumuo sa mga mata ko.

I was about to enter my classroom nang tumulak sa balikat ko paalis ng pinto. Kumawala naman ako para tingnan kung sino yung tumulak sakin. Well I knew him already kasi sa pang-amoy palang.

[✔] BOOK I : The Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon