#26: Closer to knowing the truth

615K 12.6K 769
                                    

~*~

Tyler's Pov

She left me dumbfounded...

Why the f*ck did I say that? I didn't meant to say those words. Eh bigla na lang nadulas sa bibig ko. Ugh sh*t , That was very embarrassing! Saying to a girl that she's special tapos thank you plus walk out lang ang mapapala? Bwisit. Nakakahiya talaga.

"Tyler?"

Napalingon naman ako sa tumawag ng aking pangalan. Oh great, siya na naman.

"Amethyst? What do want?"

"Huh? Wait, why are you here?"

I let go of a sigh and turned away.

"None of your business." sabi ko.

Naglakad na ako pababa ng hagdan at lalabas na sana ng girl's dorm nang biglang humarang si Amethyst sa harap ko.

"What?" I asked coldly.

"Tyler... about us---"

"Hindi pa ba talaga sapat sa iyo yung nangyari sa atin last sembreak? Amethyst, tama na! Wala ng tayo so get lost." sabi ko.

Iaalisin ko na sana siya sa harapan ko nang bigla siyang lumuhod. Sh*t. Ganito na ba kadesperada ang babaeng to para mahalin ko ulit? Psh, oo minahal ko si Amethyst pero hindi na ngayon. My feelings drifted away a long time ago. At alam kong hindi ko na ito maibabalik pa.

"Come back to me please, Tyler. I love you so much."

Naglakad naman ako palabas ng dorm at nilagpasan siya. Bastos na kung bastos kung bakit ko siya iniwan pero mas mabuti na iyon para siya na ang kusang lumayo. Nang makarating ako ng kwarto ko ay agad naman akong humiga sa kama.

Napagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw na ito.

Pinikit ko ang mga mata ko habang inaalala lahat ng nangyari. Lahat ng sakit, suntukan, babala at aminan na nangyari ngayong gabi.

Ugh, why can't I stop thinking of her?

***

1 week later.

"Yow Tyler, someone wants to talk to you." sabi ni Pierce habang tinatapik ang likod ko.

Inayos ko ang upo ko, tinanggal ang earphones na nakasasak sa tainga ko at tinaasan ng kilay si Pierce.

"Who?"

Ngumuso naman si Pierce habang tinuturo ang direksyon ng mga babaeng gustong kumausap sa akin. Sinundan ko naman ito ng tingin at ng makita ko kung sino ay bigla akong napailing. Tss, those bitched really won't stop flirting until they get what they want.

"No thanks, dude." sabi ko kay Pierce at sinaksak ulit ang earphones sa tainga ko at inubob ang ulo sa lamesa.

Lunch time at wala akong ganang kumain. Why? I don't know. These past few days wala na akong ibang ginawa kung hindi ang isipin siya. I really don't know what is happening pero simula nung nagkita si Adrienne at Trevor ay mas lalo ko na siyang gustong protektahan.

"May sakit ka ba tol? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Tanong sa akin ni Pierce.

Inangat ko naman ang ulo ko. Sasagot na sana ako kay Pierce ng biglang uminit ang ulo ko sa nakita ko. Sh-t. Ano bang meron sa kanilang dalawa at bakit parang ang lapit nila sa isa't isa?!

Di ko na napigilan ang aking sarili at marahas na tumayo at hinampas ang lamesa. Agad ko naman silang nilapitan at hinawakan ng mahigpit sa braso si Adrienne.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon