Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 03: Come, rain

67.4K 2.4K 1K
                                    


***

Hindi ko inabutan si Jacob pagbaba ko galing sa kuwarto niya. Maaga raw inutusan ni Auntie para mag-deliver ng cakes. Sabi pa ni Auntie, sa sala natulog si Jacob nang nagdaang gabi. Nakaaawa naman tuloy. Maiksi kasi kaysa kay Jacob ang sofa nila.

Bago umuwi ng bahay, iniligpit ko ang kama niya at nag-iwan ng thank you note. Nag-almusal kami nina Mama kasabay ng electrician na tinawagan nila para mag-ayos ng fuse.

Hinintay ko pa sanang makabalik si Jacob galing sa delivery pero ang tagal niya. Nagpunta na lang ako sa bahay nina Yan at Mi para sa science fair project namin. Isang linggo pa bago namin 'yon i-present pero nag-allot kami ng time for testing. Gagawa kami ng homemade na fountain fireworks at sparkler tapos pag-eeksperimentuhan namin ang kulay.

Buong umaga akong nakina Yan at Mi. Kaming tatlo lang ang tao. Nasa talyer sina Tito Herbert at Ivan. Si Tita Judy naman, nasa tindahan nila sa palengke. Habang nagmemeryenda kami sa labas ng bahay, ikinuwento ko sa dalawa 'yong folder na nakita ko sa laptop ni Jacob.

"Baka may bastos do'n. May gano'n si Kuya sa laptop niya eh. Nabuksan ko minsan," sabi ni Mi habang kumakagat sa sandwich.

"Nakita ko nga rin minsan," sunod ni Yan.

Naisip ko rin 'yon pero, "Hindi naman siguro bastos. Parang numerals ang folder name, eh. Nasa desktop lang pati niya. 'Di ba kung bastos 'yon, dapat mas nakatago?"

"Sabagay. 'Yong kay Kuya nga, nakatago. Tapos, ang folder name niya pa, Akin lang," sabi ni Yan.

"Ba't kaya bawal kong makita 'yong folder, 'no?"

"Eh 'di baka bastos nga 'yong laman tapos nakalimutan niya lang itago," tumatawang sabi ni Mi. "Wala bang gano'n si Kuya Jepoy?"

Ang kulit ng pagkakatingin ng magkapatid sa 'kin. May laptop si Kuya at nahihiram ko naman minsan pero may password na hindi ko alam kung ano. At hindi naman ako gano'n ka-curious sa content ng folders ni Kuya kaya hindi ko inuusisa.

"Hindi ko alam. Bakit kayo curious?"

Nagkibit-balikat si Mi. Kumagat naman sa sandwich si Yan.

"Bumalik talaga siya para lang do'n sa folder, eh. Tapos, hindi naman ako sinagot no'ng tinanong ko kung may binura siya. Lumabas lang siya ng kuwarto," patuloy ko.

"Baka naman pictures ng girlfriend niya? O ni Maureen?" si Yan.

"Eh 'di hindi na kailangang itago ni Jacob 'yon. Ipinaparada nga niya kay Iya 'yong pakikipag-date niya, eh," si Mi.

Napatango ako. Tingin ko rin hindi 'yon folder ng pictures ng mga naging girlfriends niya. Kahit naman kasi mabilis magpalit ng girlfriend si Jacob, hindi naman siya nananamantala lang ng babae para mangolekta ng pictures. Wala ring sinasabing masama sa kanya 'yong mga exes niya.

Kaya nakapagtataka 'yong mga break-ups. Parang wala naman kasi talaga silang nagiging problema. Basta nag-break lang.

Nagkukuwento si Mi tungkol sa kaklase namin na may crush daw kay Yanyan nang tumunog ang cell phone ko. May text galing sa adviser ng teatro.

"Hala, nag-text si Mrs. Felardo. Nagsabi raw sa kanya 'yong janitress na nakaiwan tayo ng costume sa practice hall?" untag ko kina Mi at Yan.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Hala! Naiwan nga 'yong costume! Ipapa-repair pa natin 'yon para kumasya sa 'tin," sabi ni Yan. Siniko niya si Mi. "Sabi ko sa 'yo kahapon, remind mo 'ko eh."

"Ni-remind kita..." angal ni Mi.

"Pa'no kukunin 'yon sa school?" si Yan. "May tao ba sa practice hall ngayon?"

Kiss You (Candy Stories #1) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon