Chapter 206

863K 31.1K 28.3K
                                    

A/N: Sorry for the wrong spelling and grammar...

Switch

Jay-jay's POV

Naranasan mo nabang gumising na parang ayaw mo na? Ayaw mo ng bumangon hindi dahil tinatamad ka kundi dahil pagod na pagod ka. Hindi ako pagod sa pag-tulog.

Pagod na kong mabuhay...

Hindi ko alam na darating ang araw na to. Pakiramdam ko nawalan na ng purpose ang buhay ko at wala na ring saysay kung magpapatuloy pa ko ng ganito. Napaka-pamilyar ng ganitong pakiramdam.

Parang dati lang...

Pinilit kong bumangon ng marinig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Gising na... Baka malate ka." Sabi pa nya habang kumakatok.

"Sige." Walang buhay kong sabi.

Dumiretso ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Inipitan ko din ang buhok ko. Nagpalit ako ng tshirt at naglakad papunta sa Dining kung nasan sila.

Malakas ang boses ni Mama habang nagku-kwento. Nakikinig lang naman si Kuya Angelo at Tito Julz. Samantalang inaasikaso naman si Tita Gema ang pagkain. As usual, iritable na naman si Aries.

"Jay-jay..." Tawag sakin ni Mama habang naka-ngiti. "...Anung course ang balak mong kuhanin?"

Hindi ko nga alam kung kaya ko pang magpatuloy hanggang college.

"Wala."

"Anung wala? Ga-graduate kana ng highschool. Sabi ng  Lola mo sakin gusto mo daw mag-kolehiyo."

Hindi ako nagsalita. Kumain ako na parang wala akong naririnig. Hindi ko alam kung bakit pero parang walang lasa ang kinakain ko.

"Kinaka-usap ka ng Mama mo." Sabi ni Kuya Angelo.

"Ayoko syang kausap." Halos pabulong kong sabi pero hindi nakaligtas yun sa pandinig nila.

"Jay-jay!" Sita ni Kuya.

Nakakarindi!

Parang bigla nalang nagsawa ang pandinig ko sa mga sinasabi nila. Ayoko ng marinig ang pangalan ko sa bibig nila.

"Hindi kaba nagsasawa?" Tanong ko kay Kuya habang nakatingin pa rin sa plato at pagkain ko. "...Kasi ako nagsasawa na ko sa sermon mo."

"Jay-jay!" Sabay na tawag sakin ni Mama at Tita Gema.

Kahit hindi ko tignan si Kuya alam kong masama na ang tingin nya sakin. Ramdam ko din ang tingin sakin ni Aries.

"What do you want me to do then? Forget everything that you've done?" Maotoridad nyang tanong.

Hindi ako sumagot kahit ang totoo, pabor na pabor sakin yun. Pinilit kong nguyain ang pagkain sa bibig ko. Kahit dahan-dahan at parang bubble gum.

"Answer me!" Utos nya.

Tama na...

"Anu bang nangyayari sayo Jay?" Tanong ni Mama.

Wala kana don...

"Jay? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Tita.

Wag nyo nalang akong paki-alaman...

"Baliw." Bulong ni Aries pero halatang parinig.

Mas baliw ka!

"Sinisimulan mo na naman ba ko?!" Galit na tanong ni Kuya. "...Gustong gusto mong nakikita na nagagalit ako no?!"

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon