54

3.6K 102 25
                                    

Sana's POV

"Umma aalis na po ako!"

"Sige Sana mag-iingat ka!"

"Opo!" Sigaw ko at lumabas na ng bahay. Nakita ko si Tzuyu na naka-sandal sa sasakyan niya habang naka-tingin lang sa baba.

Oh my gosh! Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko! Yung kiss! ASDFGHJKL!

"Oh, hey Hon!" Bati niya sa akin at umayos ng tayo.

"Uh-uh!" Utal-utal na sabi ko habang iniiwasan siyang tignan.

"Why are you---"

"No-nothing!" Mabilis kong sigaw.

Binuksan niya yung passenger seat na parang may inaabot. Nang maka-harap siya sa akin may hawak na siyang bouquet ng red roses.

Omo! WAAAAAAAAH!

"For you." Sabi niya at inabot sa akin yung bouquet ng roses.

Kinuha ko naman ito at inamoy-amoy. "Thank you."

Ang bango!

"So lets go?"

Tumango na ako at pinag-buksan niya ako ng pinto. Nag-jog siya papuntang driver seat at nag-start ng mag-drive. Nakita kong may card sa bouquet kaya binuklat ko yun at binasa.

"I love you." Simpleng words lang pero kinikilig ako sa naka-sulat.

"I hope you like it." Sabi niya at sumilip sa akin saglit habang nakangiti at binalik ang tingin sa daanan.

Napangiti naman ako at tinignan siya. "Thank you talaga."

"No problem."

Nanahimik kami pero hindi naman awkward. Pinapanuod ko lang siyang mag-drive habang hawak-hawak yung roses na ibinigay sa akin.

"Stop staring at me please."

Namula ako sa sinabi niya at nag-lipat ng tingin sa bintana para hindi mahalata ang namumula kong mukha.

"We're here." Sabi niya at dali-dali akong pinag-buksan ng pinto.

Nandito na pala kami.

Nag-lalakad kami sa hallway at syempre madaming nagtitinginan na estudyante dahil ngayon lang uli kami nag-kasama ni Tzuyu at siguro pati na rin sa hawak kong bouquet.

"Dito na ako." Sabi ko at nginitian siya.

Napangiti din siya sa akin. "So bye then."

"Bye." Paalam ko at nag-wave ng kamay.

Pumasok na akong loob at nakita ko ang itsura nila Jihyo na may halong pagtataka. Naupo na ako sa dati kong inuupuan at inaamoy-amoy ulit itong roses na hawak ko.

"Kayo na ulit?" Takang tanong ni Jeongyeon-unnie sa akin habang inaagaw itong hawak ko.

Pinalo ko naman ang kamay niya at inilayo sa kanya ang roses. "Hindi pa."

"E ano?" Tanong din ni Nayeon-unnie.

"Nililigawan niya ako."

"Ligaw-ligaw pa e sasagutin mo rin naman." Singit ni Mina.

Nag-make face lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

"Much better kapag foods yan."

"Mukha ka talagang pagkain Momo!" Inis kong sabi at inirapan siya.

"Ang ingay mo Sana!"

"Nahiya naman kami sa boses mo Jihyo!" Sabay-sabay na sigaw namin sa kanya at nanahimik.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon