Chapter 31. [Define Like]

95K 1.8K 212
                                    

Sorry laging short ang updates nito. Hehehe. Sorry talaga. Inaayos ko pa lang ang storyline niya. Thank you for still supporting! Read before vommenting! And, Xander on the right side!

--------------------------------------

KAYCEE'S POV

"Pero seriously guys! Ang saya ko talaga at kasama ko kayo! Lalo na 'tong babe ko!" sabi ni Kim sabay yakap kay Blake.

Lord, nagsosorry po ako in behalf of Kim dahil kumakain kami pero ang ingay niya. Pasensiya na po.

"Kim, bumitaw ka nga!" sigaw naman ni Blake.

"Pero bakit? Masaya lang ako!"

"Mag-uusap tayo!" sigaw ni Blake sabay hila sa kamay ni Kim. Umalis na sila.

Ano ba yan! Naiinis ako! Anong pag-uusapan nila?

"Ang ingay talaga ng babaeng yun. Grabe lang." sambit ni Jeremy sabay subo ng pagkain.

"Oo nga eh. Unang-una pa lang, ayoko na siya para kay pareng Blake. Ang possessive." dagdag ni Xander sabay inom ng coke.

"Tapos ngayon, bumabalik siya kay Blake? Eh iniwan niya nga si Blake ng wala man lang paalam dahil sa pangarap niyang makapag-aral sa fashion school sa US diba? Anong klaseng babae yun? Naghahabol? Nakakawalang-gana." seryosong sabi ni Jeremy.

"Oo nga. Teka pare, para namang ikaw yung hinahabol! Makareact ka dyan!" pang-aasar ni Xander.

"Putcha, wala kang paki! Kumain ka na lang dyan!" asar na sagot ni Jeremy.

Etong dalawang 'to. Bromance kung bromance! Laughtrip!

Tahimik lang si Chris na kumakain.

"Uy pare, ano namang masasabi mo sa dalawang yun?" tanong ni Xander kay Chris.

"Wala. Kung gustong makipagbalikan ni Blake, bakit hindi? Mahal na mahal niya si Kim dati diba?"

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon