20- Shoulders To Cry On

6.9K 325 19
                                    

"Welcome to The-," napatigil siya nang mapagsino ang mga bagong dating.

Bakit nandito ang babaeng 'to? Natanong niya ang sarili.

"Tama ka nga, big bro. Hanggang dito ay magkasama pa rin sila," mataray na komento ni Auberon nang makita siya. Sa tabi nito ay si Forrest na may maliit na ngiti sa mga labi. Mukhang nahihiya ito sa katarayan ng kasama.

"They're friends, Auberon. It's not a big deal," sagot naman ni Forrest.

"Friends! Hah! You gotta be kidding me," singhal ng babae kaya napangiwi si Forrest.

"What are you doing here? Both of you?" naramdaman ni Rifka ang presence ni Gaius sa may likuran n'ya pero hindi siya lumingon.

"I'm here to drink," kibit-balikat na sagot ni Forrest saka nagpunta na sa may bar.

"I'm here to talk to your manager," matigas na sabi ni Auberon.

"Manager? Why?" ani Gaius.

"It doesn't matter," anito saka nilampasan sila.

Nagkatinginan sina Rifka at Gaius at walang salita na sumunod sa babae.

"Where is your manager?" nagsimula nang mag-eskandalo ni Auberon at nakuha na nito ang atensyon ng mga customers.

Dahil kilala ang pamilya nila, nakilala agad ng mga tao si Auberon bilang bunso ng mga Kühn.

"Ano'ng gulo ito?" isang may edad nang lalaki ang lumabas mula sa isang pinto. Ito ang lalaking bumulong kay Gaius noon upang kumanta sa harap ng mga fans n'ya rito sa bar.

"I have a notice for you from the mayor herself," taas-noong sagot ni Auberon. May kinuha itong papel mula sa pouch nito at ibinigay sa manager.

Nagtataka man ay mabilis na binasa ng lalaki ang sulat.

Si Rifka naman ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. May pakiramdam siya na may kinalaman siya sa notice na 'yun. O kaya ay si Gaius.

"Don't worry," narinig niyang bulong ni Gaius na nasa may likuran nanaman niya.

But she was worried.

"Fire Rifka Strauss?" ulit ng manager at napatingin sa direksyon n'ya.

She knew it. Ito na ba ang sinasabi nina Gaius at Director Brisbois? Ito na ba ang simula ng paniningil ni Mayor Kühn dahil sa ginawa niya?

"Hindi niya hawak ang private businesses ng Morland. Wala siyang karapatan na sisantihin si Rifka," nakatiim-bagang na sabad ni Gaius. Humakbang ito at bahagya pa siyang itinago sa may likuran nito.

Ngumisi si Auberon. "Tama ka d'yan. But unfortunately for you and her, may malaking investment si Tita Juliana sa bar na ito. And wherever she tries to work, mag-i-invest kami r'on para may kapangyarihan kaming gawin ang gusto namin sa babaeng 'yan. Nang legal."

Naikuyom ni Rifka ang kanyang mga kamao. Kailangan ganito talaga ang ganti sa kanya?

Pero may hinala siya na hindi lang ito tungkol sa ginawa niya kay Juliana Kühn. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ito kay Gaius. Dahil mukha naman talaga silang close kahit na hindi naman talaga.

Humarap sa kanya ang kanilang manager. Mukhang nahihirapan ito sa sitwasyon. Malaki ang respeto nito kay Gaius kaya hindi nito pinapagalitan si Rifka sa tuwing pumapalpak ito sa trabaho. Pero malaki ang investment ng mayor sa bar nito.

"Let's go," matigas na sabi ni Gaius saka hinawakan ang kanang kamay ni Rifka.

"Gaius Octavius Kühn, your mother wants you to go home. Right now!" malakas na sigaw ni Auberon. Sila na talaga ang sentro ng atensyon ng lahat. May ilan pang mga customers na kumukuha ng video gamit ang mga cellphone.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon