Chapter 1

339K 4.4K 1.2K
                                    

Chapter 1

sa Zeal Academy...

Naglalakad si Yesha papasok ng eskuwelahan. Hinahanap ng mga mata nito si Miyu na tinuturing nitong kakambal...

"Nasaan na kaya si Twinnie?" tanong ni Yesha sa sarili. "Malamang hinahunting nanaman niya si PS niya."

palinga-linga ito sa paglalakad kaya hindi nito napansin ang taong kasalubong niya.

"OH my Gee! sorry po! sorry po talaga!" hinging paumanhin ni Yesha sa lalaking nakabangga niya. Ngunit lalo siyang nagulat nung nakita niyang si PS pala ito.

"So-so-sorry." hinging paumanhin din nito. Ito ang pinakaunang beses na nakadaupang palad niya si PS. Nagtataka siya kung bakit ito nauutal gayong wala namang dapat ikanerbiyos o kung ano man. Nanlaki ang mga mata ni Yesha noong marehistro nito ang paraan ng pananamit ni PS. Hoodie. Baggy pants. Sneakers. Thick Glasses. what a nerd! kumento ni Yesha sa isip niya.

Nahabol na lamang niya ito ng tingin habang nagmamadaking lumakad palayo. Naiisip niya kung ano ang maiisip ni Miyu oras na malaman nito na ganoon umasta si PS. Ayaw naman niyang i-let down ang kaibigan pero nakakaturn-off lang talaga.

"Hoy anong gingawa mo dyan? Kelan pa naging tambayan ng Dyosa ang tabi ng trash can?" tanong ni Dara kay Yesha na kararating lamang kasama ang bestfriend nitong si Chin.

Kumunot ang noo ni Yesha na noon ay malalim ang iniisip. Nung rumehistro sa utak niya ang sinabi ng kanyang Ate Dara ay dali dali itong umalis mula sa tabi ng basurahan at humabol sa paglalakad ng dalawang magkaibigan. ew.. why am I standing there? I'm a Goddess at ang mga Dyosa ay hindi dapat tumatambay sa ganung lugar! sabi ni Yesha sa kanyang isip.

napatingin si Yesha sa dalawang magkaibigan. Bahagya siyang napangiti noong naisip niya kung paano nila idinadaan ni Miyu sa eenie meenie ang pagpili kung sino ba sa mga Kuya ni Miyu na sila Iko at Elo ang makakatuluyan ng kanilang Ate Dara.

Napatingin naman si Yesha kay Chin. Talagang iniidolo ni Yesha si Chin pagdating sa kagandahan. Napakakinis kasi ng balat nito na maputi. Mahahaba ang mga pilik mata at mapupula ang mga labi.

"Oh nandun na pala sila." Nakita nilang magkasamang nakaupo ang magpinsang sila Venus at Venice.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong sa kanila ni Venice

"Aga nyo ah?"

"Nasaan ang mga lalaki?"

Kanya kanyang bato ng tanong ang mga babae pero ni isa ay wala namang sumasagot.

"Mga ate may sasabihin pala ako sa inyo..." biglang singit ni Yesha "Kilala nyo ba yung crush ni Twinnie?"

Nagtitigan muna sila bago nagsi-ilingan...

"Bakit ikaw? Kilala mo na ba?" inilibot muna ni Yesha ang tingin upang makasigurado na walang makaririnig bago sumagot.

"Yes. and I talked to him kanina."

"And?..."

"And I think, may speech defect sya."

Tinignan lamang siya ng mga ito.

"So what's the problem with that?"

"Don't you think na baka mabrokenheart lang si Twinnie pag nalaman nyang ganun yung crush nya?"

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon