C23: Obsessed

218K 4.4K 674
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom ay pinagtitinginan na agad ako ng mga tao. Siguro'y alam na nila kung ano ang nanyari. Alam na nila na ako ang itinuturo ng lahat. Marami akong naririnig na bulungan pero di ko mawari ang mga sinasabi nila. Masyadong malakas ang tibok ng puso at sobra akong kinakabahan.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay pakiramdam ko ay papunta sa katapusan ko. Paano kung i-kick out nga ako?

"Umupo ka muna Denise." Wika ng principal pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Agad naman akong umupo. Mas lalo kong naramdaman ang kaba at takot. Baka hindi niya ako paniwalaan ... baka tawagin niya rin akong sinungaling.

"Sir, hindi naman po talaga ako ang gumawa ng mga yon eh. Nagsasabi po ako ng katotohanan. Wala po akong ginawang masama." Tuloy-tuloy kong depensa. Nakatitig lang siya sa akin at tumango.

"Sa pagkakakilala ko sayo Denise at sa parents mo ... hindi mo talaga magagawa ang mga bagay na binibintang sayo. Alam ko na hindi mo kayang gawin ang mga yon. Hindi kita pinapunta rito dahil sa mga sunod sunod na pagpatay sa mga kaklase mo. Pinapunta kita rito dahil sa mga natatanggap mong pangbu-bully mula sa mga kaklase mo."

"Sir..."

Aaminin ko, natameme ako sa sinabi niya. Alaka ko wala silang pakialam. Akala ko hindi nila napapansin.

"Kaya pinatawag ko ang mama mo." Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at tinignan ang relo niya. "Ilang sandali na lang at makakarating na siya."

"Pero sir.."

"Kailangan niyang malaman ang mga nangyayari sayo."

Wala akong nagawa kung hindi ang hintayin ang pagdating ng nanay ko.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si mama. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Anong nangyari anak?" Tanong niya agad.

Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil pinaupo na kami ng principal.

"Mrs. Villaverde alam nyong labag sa kalooban ko para sabihin to pero kailangan nang lumipat ni Denise sa ibang school."

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng Mama ko habang nakatingin siya sa akin.

"May nagawa po siyang masama, Sir?" Tanong niya sa principal. "Hindi naman po masamang bata si Denise kaya hanggang ngayon di po ako makapaniwala sa sinasabi ninyo."

"Para po sa anak nyo ang paglipat na minumungkahi ko, Mrs. Villaverde."

"Ano po bang nanyari?" Humarap siya sa akin."Anak, may nililihim ka ba sa akin?"

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon