(Therese's POV)
Katatapos lang ng general assembly namin sa school gymnasium at kasalukuyan kong kinakausap ang presidente sa klase ko.
"Debbie, you have to assign tasks to your fellow officers para hindi ikaw lahat ang gumagawa. It's okay to ask for help. Ganito, tell them na may meeting tayo sa Monday." Hinawakan ko ang balikat ng aking estudyante.
Ito kasi ang pangulo sa klase at isa rin itong candidate for valedictorian. Mahusay kasi talaga ito. Katatapos lang ng first grading at base sa kanyang academic performance, ito ang top 1 sa aking klase. Top 1 din siya last school year.
"That would be really nice, Ma'am. Nahihiya kasi akong mag-designate," sagot nito.
"Don't worry. I'll help you with that. We need to talk about everyone's duties and responsibilities. Sige na. Naghihintay na siguro ang sundo mo," nakangiti kong wika.
"Thanks, Ma'am! See you on Monday po," masigla rin niyang tugon.
"Have a nice weekend, Debbie. Bye."
Tumungo muna ako sa aking classroom para magligpit ng mga gamit. Gaya ng dati, inayos ko muna ang mga upuan. Kahit may maintenance staff naman ang STA eh hindi ko iniiwang magulo ang room ko.
Palabas na ako nang makita ko ang isang dalagang papalapit sa akin. Kumunot ang aking noo nang makilala kung sino 'yon. Huminto ako at hinintay na lamang siya sa labas ng aking room.
"Therese Reyes?" wika nito nang makalapit.
"Yes, Ma'am," sagot ko naman.
Iniabot nito ang isang kamay. "Trisha Jazz Maharlika."
Tinanggap ko naman ang palad nito. May ilang saglit din kaming nagtitigan ngunit ako na ang unang bumawi ng tingin.
"Uuwi ka na ba?" tanong nito.
Tumango na lamang ako bilang tugon.
For sure, tungkol sa gorilya 'to.
"Well, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Kilala mo si Sebastian Alegre?" Bahagyang tumaas ang isa nitong kilay. "Of course, you do. Nag-post ka nga ng picture ninyong dalawa, 'di ba? Sa Facebook?"
Huminga ako nang malalim.
Sinasabi ko na nga ba.
Tumalim bigla ang tingin nito sa akin. Wala naman akong imik. Hinayaan ko na lamang muna ito.
"Ano 'yong caption na nilagay mo? First picture with him? That means what? Boyfriend mo ba siya?" Biglang nawala ang kalma nito. "Nakikita mo ang mga pino-post ko tungkol sa kanya, 'di ba? Well, guess what. Just so you know, ex-girlfriend ako. Bago ka lang? Based sa post mo, bago ka lang."
Tumikhim naman ako. Buti na lang at walang mga tao sa paligid. Bigla kasi itong nagmukhang mabangis.
Mas lumapit pa ito sa akin. "Tatlong taon kami noon. I was his first in everything. Hindi kami nagkita for almost ten years. Ngayong na-meet ko na ulit siya, I am determined to win him back. Baste is mine, Therese. He's mine. So you better back off now because I will play catty with you if you go on with whatever you're doing."
Kumunot muli ang aking noo saka tumawa nang pagak. "Hindi ko alam kung bakit bigla mo akong kino-confront, Ms. Trisha."
"Huwag mo akong tinatawanan. Don't make me repeat what I said. Babalik sa akin si Baste."
"Okay. Let's put it this way. Si Sebastian ang magde-decide sa gusto niyang mangyari kasi buhay naman niya 'yon."
"You're wrong. Ako ang nagde-decide palagi when it comes to him. When we were still together, ako ang boss. Hindi niya ako mahihindian. Watch me."
YOU ARE READING
Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]
RomanceBigo sa kanyang unang pag-ibig si Therese kaya naman mas pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang pagtulong sa kanyang kapatid para maging isang ganap na singer. Sa kanilang pakikipagsapalaran para matupad ang pangarap niya para kay Zia, doon naman...
![Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/110844627-64-k40450.jpg)