Chapter 21

302K 7.6K 512
                                    

Kapag  hindi  tugma  yung  months  na  nasabi  ko  dito  at  sa  scandalous  wag  niyo  na  lang  pansinin.  Nag revise  din  kasi  ako  sa  scandalous  kaya  medyo   nag-iba-iba  ang  months.  Yun  lang  naman.   

___

MEANINGFUL, touching and revivifying wedding vow renewal ceremony. Nakaka-inspire ang pagsasama ni Don Ulysses at Donya Lana at nakikita ni Mhelanie na ganoon din ang mga magulang ni Falcon. Si Falcon, nakikita niyang magiging mabuting asawa rin ito. Napakasuwerte niya marahil kung siya na iyon. Hoping!

Tangan ang isang dessert plate na punong-puno ng strawberry coated with black, white and gold chocolate ay tinungo niya isang bakanteng bilog na mesa na nasa pinakasulok ng hardin kung saan ginaganap ang wedding vow renewal ceremony. Malayo sa mga bisita ang puwestong ito. Inilapag niya ang plato at bejeweled clutch bag na pinahiram sa kanya ni Harper sa mesa. Mula pagdating niya sa mansiyon ng Cabral ay dito na siya pumuwesto at ito ang nilalantakan niya mula pa kanina. Gold, white and black ang motif ng wedding.

Medyo hindi siya sumunod sa motif. She wore a powder blue bustier long back gown decorated with floral patterns. Hindi lalagpas ng tuhod ang hem ng harapan ng gown at ankle length naman ang likuran. Kung titingnan ang kulay ng damit niya ay hindi iyon mukhang powder blue kung hindi ay puti. Sheer fabric kasi ang outer layer ng gown at ang lining ay puti kaya halos kulay puti na rin iyon kung titingnan. Her hair was up in a careless style.

Her mouth watered as she picked up a strawberry from her dessert plate. Tangka niya iyong isusubo nang may magsalita mula sa likuran niya.

"Gotcha!" Agad siyang napangiti nang mabosesan ito. Tiningala niya si Falcon. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kinauupuan dahil sa kakisigan nito. He was clad in a midnight-blue three-piece-suit, and it suits him well, it accentuated his masculinity.

Hinila ni Falcon ang silya sa tabi niya at umupo ito roon. Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa ilalim ng mesa saka iyon pinagsalikop. Mahigpit silang naghawak kamay habang nakatitig sa isa't isa.

"You are stunning."

"Thank you. Ikaw rin, napakaguwapo mo." Malikot na naglalaro ang mga daliri nila. Naglilingkisan iyon. Doon ibinuhos ang pagnanais na yakapin at halikan ang isa't isa.

"Gusto kitang halikan at yakapin nang mahigpit." May gigil nitong bulong.

"Ako rin." Mula pagdating niya ay pormal lang na nag-hi sa kanya si Falcon kanina pero pasimpleng bumulong at sinabing napakaganda niya.

"Posible bang makapag-usap tayo mamaya pagkatapos ng party? May gusto sana akong sabihin sa 'yo."

"Of course. Sa condo ako uuwi pagkatapos ng party at plano ko talagang isama ka. Nami-miss na kita." Ilang araw na rin silang hindi nagkakasarilinan at miss na rin niya si Falcon. Tangkang itataas ni Falcon ang kamay niya para halikan iyon pero mabilis niya iyong pinigil. All Falcon could do was to release an audible sigh.

"Kanina ka pa kumakain niyan?" puna ni Falcon sa strawberry na nasa plato. Kumagat siya ng strawberry na nababalot ng gold chocolate.

"I think the cute little monster in my tummy loves it."

"You mean bulate?" hindi napigilan ni Mhelanie ang tumawa nang malakas. Kung nasa pribadong lugar lang sila ay kanina pa niya pinupog ng halik si Falcon. Natigil sa pagtawa si Mhelanie nang marinig si Donya Lana na kinuha ang atensiyon ng mga guests.

"Once again, good evening everyone." Sabay nilang naibaling ni Falcon ang atensiyon kay Donya Lana.

"I and my husband, Ulysses are very happy to see your presence in our special day. Pakiramdam ko ito ang first wedding namin at mamaya lang ay magha-honeymoon kami."

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon