Chapter 26

4K 90 1
                                    

Author's Note:

Dagdag nanaman si Dimmy Mishitsu. Ano kayang magiging reaction ni Dimmy? Kasama niya kaya si Shannie Prim?
-LurieeLee

KRISSY'S POV

Kasalukuyang nagpipirma si Dimmy ng mga magazine na dala ng mga tao kanina. May iilan din akong nakikitang nagpapapicture sa kanya. All of them are very much happy to see Dimmy Mishitsu in person. She's the Popular Model after all.

"Ang sikat na niya ano?" Biglang sabat ko.

"She's born in Rich Family kaya niya nareach ang dream niya."

"Well, I guess she work for it naman. Hindi lang sa pera nila."

"You're right. Did you know that even she's popular model today, she also taking charge the Atrocity until now?"

"Weeeh?"

"Nagjojoke ba ako?" Sabi niya ng seryoso.

"Sabi ko nga hindi. Tsk. Pero paano? She's busy now kaya imposibleng pinapangalagaan niya parin ang Gang."

"Kapag nasa states siya, nandito pa naman si Chief eh. Hindi niya pinapabayaan ang gangmates nilang dalawa." Natigilan ako. Saka siya nagtuloy sa pagsasalita. "Walang pinagbago sa grupo nila. Kaya nainspire ang mga kapatid ni Chief at ni Dimmy na mga kambal na bumuo ng sariling grupo ng gang which is yung Grande Gang. Ang Mga kambal na yun ang leader ng Gang na yun. 1st Queen si Pistol, 2nd Queen ay yung kakambal ni Pistol na si Machine Gun. Silang dalawa ay kapatid ni Chief."

Machine Gun. Yung babaeng kinaiibigan ng kapatid ko. So, pangalawa pala siya sa pamumuno ng isang Gang? Nagpatuloy si Imbert sa pagsasalita.

"3rd Queen si Samurai at 4th Queen naman si Sniper. Ang kambal na yun naman ay kapatid ni Dimmy. Kung iisipin mo, nasa lahi talaga nila ang pagiging gangster. Their mom and dad are also gangsters before at dun siguro nila nakuha ang pagiging gangster nila. Hindi ko nga alam kung bakit bumuo din ng Grupo ang kapatid ko at yun yung Superior Gang. Ang sabi niya sakin ay nainspire daw siya kay Pistol kasi bukambibig si Pistol ng mga kaklase niya noon. Isinama niya pa yung mga kaibigan niya. Kasali ang kapatid mo. 1st King si Ivan, 2nd King si Kian, 3rd King si Trexer at 4th King naman si Shaun. Akala ko nagbuo lang sila kasi trip nila hanggang sa nalaman kong desperado si Ivan na gustong makasama si Pistol. Nakipaglaban sila ng mga ilang beses saka nila nakuha ang atensyon ng Grande Gang. I was shock the time Ivan told me that he finally saw Pistol in person. Masyadong mysteryosa si Pistol kaya di ko aakalaing makikita niya si Pistol."

"Few months ago, nakita ko si Chief dito sa rooftop ng mall. Dun siya umupo kung saan makikita mo ang lawak ng lugar. Nakahood ako kaya hindi niya ako napansin. Naririnig ko siyang may kausap sa phone niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nase-sense kong patungkol sa gang ang pinag-uusapan nila. Nabalitaan ko dati kung kailan umatake ang kalaban ng Grande at Superior Gang sa Mishito ay nandun din ang Atrocity. All of them are back being a wrecker, sadistic and brutality. Walang pinapalagpas ang Atrocity katulad ng Grande at Superior at dahil dun bumalik ang Atrocity sa dati."

Tumigil na sa pagku-kwento si Imbert saka nagtuloy sa pagscoop ng ice cream. Yun pala ang mga nangyari at wala akong kamalay-malay dahil nasa bahay lang ako at madalang kong nakakausap si Kian. Napatingin ulit ako kay Dimmy na siyang nakatingin na si gawi namin. Pareho lang kami ng reaction. NAGULAT dahil nagkita kaming muli.

'Ang bestfriend ko.'

Nakikita kong naiiyak siya kaya umalis siya sa kinauupuan niya at pumasok sa ladies comfor room. Nagpaalam naman ako kay Imbert na pupunta muna akong CR kasi naiihi ako pero sa totoo, gusto kong sundan si Dimmy. Pagpasok ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa isang sulok at humihikbi.

"Dimmy."

Napaangat naman ang ulo niya nang marinig ang boses ko saka siya tumayo.

"Kris."

Niyakap niya ako bigla. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko but I found myself hugging her back. She's still crying while hugging me.

"Are you okay?" Tanong ko.

"I just missed you Kris. I really missed you." Kumawala na siya sa pagyakap sakin saka niya pinahid yung luha niya. "Sorry naging iyakin ako."

"It's okau dimmy. I understand. Anyway, Congrats for achieving your dream Dimmy. You're a Model now." Nakangiting sabi ko.

"Thank you Krissy. Gusto mo bang pumunta sa Hideout? The gang is still existing until now. I'm sure namiss ka ng gang." Nakangiting sabi ni Dimmy.

"Kasama ko si Imbert eh."

"Si Imbert?!" Bigla siyang namula dahil sa sinabi niya.

"Oo. Kasama ko siya. ahm... Is there something—"

"Isama mo siya. Di na siya bago sa gang eh." Sabi niya saka siya nagmadaling lumabas ng CR.

'May something ah. I must find out.'

Lumabas na din ako sa CR saka ko binalikan si Imbert. At laking gulat ko sa nakita ko.

WALA NANG LAMAN ANG ICE CREAM KO.

"IMBERT?!"

"Ang tagal mo kasi eh kaya inubos ko na. Hahaha!"

"Bwisit ka!" Sabi ko saka padabog na kinuha ang mga pinamili ko at pumunta na sa parking lot.

Napayuko ako sa manibela ko nang makaramdam ako ng kaba. I'm visiting again the hideout. I honestly missed that place. Ang members. Ang kulitan nila. I must be happy pero kaba ang nararamdaman ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko saka tumungo sa hideout ng Atrocity. Hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman ko kasi di ko alam kung kilala pa ba ako ng Gang. But I'm still they know as Krissy Torillo. The outsider of the group.

Narating ko ang hideout at naging mas maaliwalas ito kompara dati. Bumaba na ako sa kotse ko saka pinagmasdan ang hideout. May nakikita din akong nakaparadang mga kotse at motor sa harap ng main entrance. Bumuntong hininga ako saka ko tinahak ang main entrance. I knocked 3 times saka ito bumukas.

Madilim ang paligid. Parang walang taong tumatambay dito. Kaya nagtaka na ako.

'Where is everybody?'

"Ahm.. Hello?" Kinakabahang sabi ko.

Pinasok ko ng tuluyan ang hideout saka kinapa ang wall malapit sa entrance para pailawin ang buong paligid. Pag-on ko sa ilaw, I saw a familiar photos na nakasabit sa ceiling.

"Oh My God!" Bulalas ko.

Isa-isang nagsibabaan ang mga gang members at may dalang pictures ko which is stolen pictures ko. Last na nagbigay si Dimmy na dala yung picture namin dalawa. Nung nasa park kami.

Naiyak ako. I know this is just a simple surprise but whenever it comes from the people i've loved, napapaiyak ako. Alam kong masyado akong mababaw pero this kind of surprise makes me really happy.

"Patay tayo kay Chief! Pinaiyak natin si Krissy!" Sigaw ni Michael.

"Loko! Si Dimmy kasi eh. May paganito ganito pang nalalaman." Sabi ni Jordan.

"Abugh! Sinisisi niyo ko?!" Sigaw naman ni Dimmy.

"Hindi naman Dimmy. Joke time lang yun. Hihihi." Awat ni Leslie kay Dimmy.

This kind of scenario is the most missed moment with this Gang. Ang gaan lang sa pakiramdam kasi nakita ko ulit sila. Nagtungo kami ni Dimmy sa rooftop ng hideout.

Dinala ko yung nova at piattos na binili ko kanina pati yung natirang dalawang plastic bottles ng lemon juice. Umupo kami sa usual part ni Dimmy. Kung saan makikita ang lawak ng syudad.

'I miss this moment. I miss to be with Dimmy.'

-----*

Unknown Gangster Queen [Completed]Where stories live. Discover now