Chapter 5

1.4M 31.4K 11.4K
                                    

Chapter 5

"Tinitingin tingin mo jan?!!" Sigaw ko kay Drake. Sinisigawan ko siya pero sa totoo lang, natatakot ako. Nakakatakot siyang tumingin, promise!!

"Tss," tapos nagsmirk siya at nagtakip ng libro sa mukha niya. Matutulog na naman yata 'tong autistic na to eh!!

"Hoy, Drake! Girlfriend mo ako sa harap ni Sheen at Kei. Sa harap lang nila! Feeling mo naman, type kita. Sorry ka---"

Napatigil ako sa pagsasalita kasi nagtanggal ng takip na libro si Drake sa mukha niya. Oh noes! Nagalit yata siya sa mga sinabi ko! (._.)

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos nag smirk siya! Ang kapal ng mukha!!

"Asa ka. Ang panget mo," tapos sabay takip ulit ng libro sa mukha.

Mommy! Daddy!! Inaaway niya yung princess mo! Panget daw ako?!! Saang banda?! Lagi saking sinasabi ni Mommy na maganda ako eh! Isa kaya akong Perez! Lahat ng Perez, maganda at gwapo! Autistic talaga to!!

Umalis na ako dun sa puno kasi ayyyyy!! Naiinis ako! Ikaw kaya ang sabihan ng ganun pagkatapos tignan mula ulo hanggang paa at ismidan, matutuwa ka? Feeling ko, nabawasan yung pagkatao ko eh! Grabe talaga yun! 

"Hoy!!"

"Aaahhh!! Aya naman! Bakit ka ba nanggugulat?!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib. Mamamatay yata ako sa sakit sa puso sa mga taong nanggugulat sa akin eh!

"Hoy! Anong nanggugulat ka jan??! Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Lutang ka, Besh. Ano ba nangyari? Umalis na ako kanina, ang tagal niyong mag usap nila Sheen eh."

Ay, oo nga pala. Kasama ko nga pala si Aya kanina. Hmm. Nasan na kaya si Sheen at Kei? Ano kaya nangyari dun? Ayy!! Ayokong isipin!! Nagkabalikan na kaya sila??! Oh noes! Nagseselos ako!!

"Ah, wala. Umalis ka kasi agad eh. Tinatamad na akong magkwento," sabi ko sabay lakad. Ayoko ngang sabihin. Pagtatawanan lang ako nito panigurado eh!

"Besh naman eh! Ano nga---" Hindi siya natapos kasi nagbell na.

Nagbelat ako sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos, Alys Zyril Perez! Iinterrogate kita mamayang dismissal!" 

Tapos nagtatakbo kaming dalawa pabalik ng room kasi baka malate kami. Mahirap na, ayoko na ulit madetention noh! Di bale sana kung si Sheen my loves ang makakasama ko!

Habang nagkaklase kami, biglang dumating si Drake. Buti naman nagising pa siya!!

"Mr. Palma, why are you late?" Tanong nung teacher.

Tinignan lang siya ni Drake at dumiretso sa upuan sabay tulog ulit. Bakit ganun?!! Pag si Drake, okay lang kahit hindi siya sumagot sa tanong ng mga teacher??! Dahil ba transferee siya? Magtransfer din kaya ako sa ibang school? Payagan din kaya nila akong malate at matulog?? Nako!! Isang araw, magrereklamo ako sa principal talaga!! Nasan ang equality??!!

Habang naglelesson kami, biglang nagpaquiz si Ma'am. Oh noes! I'm not prepared (._.)

"Okay, class, get one whole sheet of paper! Quiz, 30 items."

Tapos kumuha na kami ng papel at nagsulat na ng problem si Ma'am sa board. Himala! Gumising si Drake at nagquiz din!!

'Sheet. Ang hirap naman nito! Aish! Dapat matapos na ako ng maaga para makauwi na ako!' sabi ko sa sarili ko.

Bakit ba kasi kailangan ng math sa buhay? Simpleng arithmetic lang naman ang kailangan ko!! Bakit kailangan pa ng radicals at rational expressions na yan??!

Habang nagpapakahirap akong magsagot, tumayo na si Drake at nagpasa ng papel??!! Eh ten minutes palang nung binigay ni Ma'am yung problem ah??!

Biglang nagsalita si Ma'am, "Kung lahat kayo, katulad ni Mr. Palma, eh di masaya sana tayong lahat. Kahit matulog kayo o late pumasok, walang kaso. Basta ba mapperfect niyo ang mga requirements eh.."

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon