Chapter 45

436K 8.5K 2.7K
                                    

Chapter 45

Tuesday. Last day of Class.

"DK! Where do you think you are going, huh?" Kim asked me as i get my things.

"Gotta go somewhere," i answered.

"Pero we already have our schedule! Bar hopping, remember?!"

Shoot! I forgot. Magbbar hopping nga pala kami ngayon. Celebration! Last day of class, baby. Tomorrow, semestral break begins!

Just so you know, it's been three days simula nung nag usap kami ni Ynna. I really wanna stranggle her that day! Pasalamat siya at sunud sunod ang exams ko the following days!

"Sorry, Kim. Will make it up to you next time. I just need to go somewhere," then i went near them and hugged them.

"Matagal ba yang gagawin mo? Sunod ka na lang kaya?" Tanong ni Sara.

"Don't know. Maybe. I'll just text you later, alright?"

Then i went to my car.

Wanna know where i'm heading to? To a hospital. I'm going to this hospital to clarify things once and for all!

Pagpunta ko sa hospital somewhere in Quezon City, i immediately went to the nurse station and asked for his room assignment.

"Grei Benitez?" Then she scanned their records, "Room 0739."

"Thanks," then i went to the elevator.

Pagpasok ko sa elevator, kinakabahan ako. Naghalo halo na yung nararamdaman ko. Kinakabahan dahil sa kung ano ang pwede kong malaman, nagagalit dahil isa siya sa dahilan kung bakit nagulo yung buhay ko.. at masaya, kasi sa wakas, masasagot na din yung mga tanong ko..

Kung nagtataka kayo kung paano ko siya nahanap, i hired a private investigator kasi sinubukan ko ng magtanong sa administration office ng school pero hindi sila nagbibigay ng private information ng mga nagtatrabaho dun kahit resigned na. Yes, matagal ng wala siya sa school namin. Totoo pala yung kumalat na balita na may AIDS siya dati. Ang tanga lang talaga ni Ynna!

Naglakad lakad ako sa hall way ng hospital hanggang makarating ako sa harap ng pinto, "Room 0739," the sign says.

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto, gathering all my courage para buksan yun..

"Kamag anak po kayo ng pasyente?" A nurse came and asked me.

"No, i'm not," i answered.

"Ah. Sayang naman po, akala ko sa wakas, may dadalaw na sa kanya. Simula kasi nung na admit siya dito 1 year ago, wala pang bumibisita sa kanya," sabi nung nurse habang nakangiti, "pero kahit hindi kayo magkamag anak, mabuti na ding may dumalaw sa kanya. Kawawa naman siya eh. Sige, pasok ka na," tapos binuksan niya yung pinto.

Biglang napatingin sa akin si Grei. Ayoko siyang tawaging Professor kasi wala na talaga akong natitirang respeto para sa kanya.

Tinignan ko siya, puro pasa yung braso niya at ang payat niyang tignan. Ang putla ng kulay niya. Parang yung tatay ko lang...

Pumasok ako sa kwarto at sinara yung pinto. Nakatingin pa din siya sa akin. Siguro inaaalala niya yung saan niya ako nakita dati.

"Dana Kathryn Ferrer," i said to him, "Former student. Yung ibinagsak mo for sex?" I sarcastically said to him.

Natahimik siya. Alam kong naaalala na niya yung mga ginawa niya.

Umupo ako sa couch sa gilid ng hospital bed. Tinignan ko yung buong kwarto. Halatang walang bumibisita. Ni walang pagkain o bulaklak man lang. Wala ba talagang pamilya to?

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon