Chapter 23

330K 7.2K 564
                                    

I dedicate this chapter to @gisellemondragon8. Hindi kasi makapagdedicate kaya mention ko na lang dito. hehe! Happy reading guys! Muawh!

____

NAGISING si Mhelanie sa mga yugyog sa balikat niya.

"Tita MM, may bisita ka." Matinis na boses ni Kirsten ang tuluyang nagpamulat ng kanyang mga mata.

"Kirsten?"

"Gising na po. Tawag ka ni Lola Lena." Muli niyang ipinikit ang mata sandali at muli ring idinilat iyon. Ramdam niya ang kapal ng talukap ng mata niya. Nakatulugan niya ang pag-iyak kanina. Bumangon siya at tinitigan ang larawan ng tatay niya. Nakatulog siyang yakap iyon. Hinaplos niya ang larawan at inilapag iyon sa mesita kung saan iyon nakalagay. Inabot niya ang suklay na nasa tabi ng picture frame. Matapos suklayin ang buhok ay lumabas sila ni Kirsten.

"Nandoon sila sa labas." Ani Kirsten at itinuro ang pinto. Si Tessmarie siguro. Si Tessmarie lang naman ang nagpupunta rito kapag nasa Batangas siya. Sa paglabas niya ng pinto ay tila itinulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makita si Falcon na kausap ng kanyang nanay. Magkaharap na nakaupo ang dalawa sa metal patio furniture set. Ano ang ginagawa nito rito?

Nang makita siya ni Falcon ay agad itong tumayo.

"Mhelanie." His expression was hard. Mula sa kanyang mukha ay bumababa ang mata nito at itinuon iyon sa kanyang tiyan. Lumabot ang ekspresyon ng mukha ni Falcon. Bigla ang pagsikdo ng puso niya sa paraan nang pagtitig nito sa tiyan niya. Imposibleng alam ni Falcon ang tungkol sa pagdadalang tao niya. Siya lang naman ang nakakaalam niyon.

"Mhelanie, nandito si Falcon para sunduin ka. Pinapasundo ka raw ni Harper. Sandali lang at aayusin ko ang gamit mo." Nang iwan sila ng nanay niya ay binalingan niya si Kirsten.

"Kirsten, help mo si Lola Lena mag-ayos ng damit ni tita."

"Okay po." Nang tumakbo papasok ng kabahayan ang bata ay nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago muling hinarap si Falcon. Marahas siyang lumunok nang makita ang matiim na pagkakatitig sa kanya ni Falcon. Lumapit siya rito.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Ikaw? Ano ang ginagawa mo? Ano ang binabalak mo?" Nakatiim ang mukha nito.

"Falcon, walang mangyayari sa relasyon natin, maniwala ka."

"At sa tingin mo papayag akong ilayo mo ang anak ko sa 'kin!" Mariin niyang naipikit ang mata sa narinig mula rito.

"Paano mong nalaman?"

"Hindi na mahalaga. Ang mahalaga sa 'kin ngayon ay maisama ka." Pigil na pigil ang boses nito pero ramdam ni Mhelanie ang matinding pagdaramdam ni Falcon.

"Hindi ako sasama sa 'yo."

"Huwag mo akong subukan, Mhelanie. Subukan mo lang magmatigas at sasabihin ko sa nanay mo ang tungkol sa atin. Ang tungkol sa pagbubuntis mo." Ang lahat ng kanyang depensa ay tuluyang nagiba. Napayuko na lang siya.

Walang nagawa si Mhelanie kung 'di ang sumama kay Falcon. Kinuha ni Falcon ang gamit niyang inilabas ng kanyang nanay. Matapos niyang magbihis ay nagpaalam siya sa ibang kasama nila sa bahay.

"Falcon, huwag mong sasaktan si Harper, ha? Napakabait na bata niyon. Mahalin mo siya." Bilin ni Lena kay Falcon. Nagyuko ng ulo si Mhelanie. Masyado siyang kinakain ng konsensiya. Kung alam lang ng nanay niya ang ginagawa niya ay paniguradong itatakwil siya nito.

"Mauna na po kami." Iyon ang tanging sinabi ni Falcon sa nanay niya. Niyakap niya ang nanay niya bago sila lumabas at tinungo ang nakarapadang sasakyan nito sa labas.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon