Lahat ng Tanong ay May Kasagutan

1K 2 0
                                    

(Requested)

Ano, saan, kailan, at paano.
Ilan lamang iyan sa mga tinatanong ng mga tao.
Ngunit may iba sa atin na may iba pang katanungan.
Mga katanungan na di agad nabibigyan ng kasagutan.

Di tulad ngayon, mas marami pang tanong noong unang panahon.
Panahon na kung saan ang paghahanap ng sagot ay inaabot ng ilang taon.
Mula sa mga tanyag na tao na sina Aristotle, Platon, Confucius at marami pang iba.
Lahat sila'y kilala dahil sa paraan nila sa pag-sagot sa bawat tanong ng madla.

May mga tanong na naghahanap ng katotohanan.
May mga tanong tungkol sa kung ang buhay ba natin ay may kahalagahan.
Mga tanong tungkol sa saligan at nilalaman ng ating kaalaman.
Pati na rin ang tunay na pinahihiwatig natin sa iba't'-ibang anyo ng pakikipagtalastasan.

Lohikal na mga proseso at pangangatwiran.
Ito ang kailangan upang ang mga tanong na ito'y mabigyan ng kasagutan.
Kailangan pagsikapan kung nais talagang makahanap ng sagot.
Kailangan maayos ang paraan at proseso at walang maiiwang gusot.

Lahat ng tanong ay may kasagutan.
Di pa man napapatunayan, makakarating din tayo diyan.
Ang pilosopiya ay hindi isang biro o laro.
Dahil ito ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga malalalim na tanong ng bawat tao.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon