Chapter 32 ♬ The Start

51.2K 1K 91
                                    

CHAPTER 32 - THE START

SERENE


Umuwi ako sa bahay ng parang lumulutang sa ere. Ang saya lang. Pakiramdam ko may tinik na nawala sa aking dibdib kaya ang gaan-gaan sa pakiramdam. Habang naghu-hum paakyat sa kwarto ay napahinto ako sa isang pinto na matagal na panahon kong iniiwasan.

Walang iba kundi ang music room ng pamilya namin.

Ang dami kasing alaala roon na ang hirap balikan. Alaala na nasira at nawala sa haba ng panahon. Ewan ko pero para akong hinila ng mga paa ko papalapit sa pintong iyon at mga kamay ko na mismo ang nagpihit ng doorknob para makapasok ako. May sarili na yatang utak ang katawan ko, hindi ko na makontrol.

Sumilip ako sa pinto na parang bata na pumapasok sa isang lugar na bawal. Nakita ko ang buong silid na puno na ng alikabok. Wala na kasing pumapasok dito at kahit nga si Ate Desi pinagbabawalan kong pumasok para linisan ito. Kung maaari kasi ayoko na ng kahit na anong koneksyon dito, pero ito ako ngayon nagbabalik sa lugar na gusto kong kalimutan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para makapasok, sa bawat urong ko nito ay ang pag-ugong nito na parang pintuan sa isang haunted house. Pumasok ako at dahan-dahang dumiretso sa harap ng malaking grandpiano na tila ba tinatawag ako para muling tumugtog sa ikalawang pagkakataon.

Mag-isang gumalaw ang mga daliri ko na para bang alam na alam kung ano ang tutugtugin kahit wala ang permisyon ko. Ganu'n naman talaga pagdating sa pagtugtog ng instrumento, hayaan mo lang ang mga daliri mo at isabay ang puso sa pagtugtog nito at magugulat ka na lang sa isang napaka gandang musika at mahika na ikaw mismo ang may likha.

I was the girl you left unnoticed

I was the girl you left to cry

Drifted back behind and certain

You never loved me like I had

Isa ito sa mga kanta na ipinasa ko kay Mr. Valdez para sa Battle of the Bands na hindi ko nakanta. Habang sinasambit ko ang bawat salita ay hindi ko mapigilang malungkot sa tuwing naaalala ko ang mga araw na magkasama pa kami ni Pietr.

Yearning through the years of make-believe

Tears are streaming down my eyes

How could you forget the days we shared?

Thinking forever you'll be mine

Hindi ko mapigilan ang mga mata sa pagluha. Masakit na pakawalan siya dahil minahal ko talaga siya ng sobra-sobra. Pero siguro kailangan ko na rin siyang kalimutan at tuluyang magmove-on sa buhay ko. Ilang taon na rin ang lumipas at ni minsan hindi siya nagpakita o nagparamdam man lang sa akin. Kinalimutan na nga niya siguro ako kaya dapat 'yun na rin ang gawin ko. Nagpatuloy ako sa pag-awit hanggang sa makarating ako sa chorus ng sinulat kong kanta.

See the tears rolling down?

Feel the emptiness you left behind

Hear the music of my heart

Shattering to pieces one by one

Walang mangyayari kung ikukulong ko lang siya rito sa puso ko. Siguro kailangan ko na nga siyang palayain kahit masakit. Kailangan ko na siyang palayain upang makalaya na rin ako. Tama na ang ilang taong pangungulila ko sa kanya. Kaligayahan ko naman ang isipin ko at huwag na ang mga alaalang hindi ko na maibabalik pa.

If I kissed the wind and you've felt the touch

Look at my eyes one last time

Do not wonder, do not look back

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon