CHAPTER XXXIII

179 10 2
                                    

Magmula nang makatanggap ng text si Jake mula sa di kilalang sender ay lagi na siyang napapaisip kung kanino nga siya pinag-iingat. Palaisipan sa kanya kung ano ang ginagawang hakbang ng 'tatlong tao' na binabanggit sa text laban sa kanya.

Kahit pa ngayong araw ng kanilang puspusang pagpa-practice para sa dance contest ay laging sumisingit sa isipan niya ang tungkol dito. Na lagi namang napapansin nina Jorix, Red at Liezle pati na ang mga apat na F5 ang madalas niyang pagkatulala at 'pagkaka-tigil' sa gitna ng paggawa.

Nagkakatinginan na lamang ang mga ito sa tuwing makikita siyang 'nawawala sa sarili'.

Gayunpaman ay nagawa ng lahat ang dapat na gawin at ayusin upang maihanda ang mga kailangang dalhin sa araw ng kinabukasan.

Ilang rounds o ulit ng performance ang ginawa ng mga dancers upang ma-'perfect' ang kanilang routine.

Nag-arkila ng isang bus ang school admin upang magamit nila sa pagbiyahe. Minabuti nilang kumuha ng bus upang mapagkasya ang lahat ng dancers, ang mga kakatulungin sa pagbubuhat at paghahanda ng mga props at costumes maging ng mga pagkain, ilang mga 'supporters' at ilang mga teachers kabilang na ang principal.

Napag-usapan na rin ang oras at lugar ng tagpuan.
Ang hinihintay na lamang nila ay ang pagsapit ng oras sa madaling araw upang sila'y makaalis at makapunta sa lugar kung nasaan ang building at studio ng noontime show.

----------------------------------------

DAHIL SA KABA ay hindi kaagad nakatulog si Jake nang gabing iyon. Nakadagdag pa ang isipin tungkol sa text message na iyon.

Nagpasya siyang i-text din ang sender ng text message.

Nag-type siya: "Sino ang tatlong tinutukoy mo? At ano ang binabalak gawin sakin ng tatlong iyon?"
At isinend niya iyon.

Ilang minuto din siyang nakatitig sa cellphone. Kinakabahan siya sa magiging sagot ng sender.

Nagulat pa siya nang lumitaw sa screen ang notification na "1 New Message Received".

Agad niya itong binuksan.

"Malalaman mo din, soon. Wala namang 'balak' ang tatlong tinutukoy ko na saktan ka. Hindi ko lang sigurado kung hindi masasaktan ang kalooban mo kapag nalaman mo ang ginagawa ng mga kaibigan mo sayo." sagot ng 'sender'.

Kumunot ang noo niya sa nabasa.

Dali-dali siyang nag-typre para mag-reply: "Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba? Bakit mo ginagawa to?" saka sinend.

Naghintay siyang muli ng reply.

Pero ilang minuto na ang nakalilipas ay wala siyang natanggap na sagot.

Paulit-ulit niyang chini-check ang kanyang cellphone para tingnan kung may bagong dating na SMS...

Pero bigo siyang makatanggap ng reply.

Napa-butong hininga na lamang siya nang makitang pumatak na sa alas dose ng madaling araw ang kamay ng wall clock na nakasabit sa dingding ngunit wala pa rin siyang natatanggap na text message.

Tumagilid siya ng higa paharap kay Red na noo'y mahimbing nang natutulog. Habang nakatitig siya dito ay nagtatanong muli ang kanyang isipan kung isa ba ito sa 'tatlong taong' binabanggit ng sender kung saan ay 'pinag-iingat' siya.

Bakit parang kinakabahan siyang mapatunayan na isa nga ito sa 'tatlong tao' na iyon? Nag-aalala ba siya na baka hindi niya makayanan ang matutuklasan sakaling malaman niya ang 'binabalak' ng 'tatlong tao' na iyon? Bakit tila ayaw niyang mapabilang si Red?

Bumuntong hininga ulit siya...

Malamang ay naaawa lang siya kay Red dahil nga sa iniiwasan na ito ng kanyang tropa at mga ka-basketball buddies. Dahil sa kagagawan niya... Dahil sa picture... Dahil naging pabaya siya sa wallet niya kung saan inilagay sa picture...

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon