Chapter 25

318K 6.9K 808
                                    

       .NAGPASYA ang mga kaibigan ni Falcon na bukas na bumalik ng Maynila. Nagkaroon sila ng munting salo-salo kanina at ngayon ay nag-iinuman ang magkakaibigan. Pumuwesto sila sa isang living room na nasa bandang likuran. Mula sa living room ay tanaw ang pool area dahil sa isang malaking salaming dingding ang pumaparte sa living roon at labas.

Si Mhelanie ay nasa silid na at nagpapahinga. Sa wakas ay asawa na niya si Mhelanie. He admitted that he tricked her into getting married. Bago pa man niya alukin ng kasal kagabi si Mhelanie ay nakausap na niya si Alford tungkol dito. Ginawan ng kaibigan ng paraan para maayos ang lahat ng kakailangin para sa kasal nila  na  hindi  na  kailangan  dumaan  sa  matagalang  proseso  at  kompletuhin  ang  requirements .  With money, connections  and power can tolerate this sort of stuff;  kayang  madaliin  ang  lahat.

Ang plano ay tutungo sana sila ni Mhelanie sa Manila kanina para doon ikasal. Si Judge Rumulo Gamboa, Alford's grandfather, ang siyang dapat na magkakasal sa kanila but unfortunately the old man won't be able to perform marriage today. Biglaang lumipad patungong Dubai ang matanda kahapon na hindi alam ni Alford. Kaya ang ginawa ni Alford ay pinakiusapan ang matanda na pirmahan na lang ang marriage contract pagbalik nito bilang pagpapatunay na ito ang nagkasal sa kanila at pumayag naman ang matanda. Judge Rumulo Gamboa can only technically marry persons with a residence in his jurisdiction kaya sa Quezon City pa rin ipapa-register ang marriage contract nila. Ang nasa marriage contract nila ay sa Quezon City sila ikinasal. Si Alford na raw ang bahala sa lahat.

Maaari niyang papirmahin na lang si Mhelanie at hindi na magdaos ng wedding ceremony pero gusto naman niyang kahit paano ay maging normal ang kasal nila ni Mhelanie kaya pinakiusapan na lang niyang si Alford na lang ang magkasal sa kanila. Ang suhesyon ni Alford ay hintayin na si Judge Rumulo na sa isang linggo pa ang balik. Pero hindi na niya kaya pang palipasin ang araw na wala siyang pinanghahawakan na kanyang-kanya na talaga si Mhelanie. Oo nga't dinadala nito ang anak nila pero paano kung matuklasan na ng nanay nito at ni Harper ang relasyo nila, at humadlang ang nanay ni Mhelanie sa relasyon nila. Paniguradong malilito si Mhelanie at hindi niya masisigurado kung magiging pabor sa kanya ang magiging desisyon nito.

He knew that one of these day ay malalaman ng nanay ni Mhelanie na wala si Mhelanie kay Harper, kaya bago pa iyon mangyari ay kailangan niyang gumawa ng paraan para legal na pamasakanya si Mhelanie.

Masaya siyang kasal na sila ni Mhelanie pero hindi pa rin siya mapakali. Hindi rin lubos ang kaligayahan niya dahil nakikita niya ang pagkalito ni Mhelanie kanina. Wala rin itong imik hanggang sa sumapit ang gabi. Alam niyang kahit na sinong babae ay hindi ganitong kasal ang papangarapin.

Natigil sa malalim na pag-iisip si Falcon nang iitsa ni Willson sa kanya ang lata ng beer na nasalo ng kanyang hita.

"Kasal na kayo ni Mhelanie. Ano pa ang pinoproblema mo diyan?" binuksan niya ang lata ng beer, dinala sa bibig at malaking amount ng beer ang nilagok.

"It's funny to think that you weren't ready to settle down before, but now you were going to force a woman to marry you. You are really in love." Si Dock na sinundan ng inom ng beer.

"I wasn't forcing her. Inalok ko naman siya at pumayag siya. Saka mahal niya ako," depensa niya. Pero ang totoo ay alam niyang inakala ni Mhelanie na nagbibiro lang siya.

"Eh, bakit ganyan ka? Bakit ang lalim ng iniisip mo?" muling tanong ni Dock at mabilis namang sumabat si Alford.

"Eh, paanong hindi magiging ganyan 'yan ang komplikado ng buhay pag-ibig. Tuhugin ba naman ang magkapatid." Alford said nonchalantly, took a large gulp of his icy beer. Nang mapansin nitong nakatingin ang tatlo ay pabalewala itong dumapot ng cashew nut sa platito.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon