Chapter 32. [Take me back]

90.4K 1.8K 251
                                    

Hala. Hati na kayo grabe! Team Blaycee or Team Chriscee? OH EM GEE. Di ko na alam kung saan ako! =))))))))

Dedicated to her. Hi sis! Thank you sa mahabang comment the prev. chap! Natouch ako <3

------------------------------------

BLAKE'S POV

"Ano bang gusto mong mangyari Kim?" walang expresyon kong tanong sa kanya. Nandito kami sa labas ng beach house dahil gusto kong itigil na niya ang kahibangan niya.

"Blake. Wag ka ng maging matigas please." hinawakan niya yung braso ko. "Blake naman."

Inalis ko yung kamay niya sa braso ko at tinignan siya ng seryoso.

"Kim. Please. Tigilan mo na ko."

"Alam mo naman na ganito talaga ako diba? Maingay talaga ako. At palaban kung kinakailangan."

Oo Kim. Alam ko yun. Kaya nga kita minahal.

"Pero Kim, pwede ba? Ilugar mo naman."

"Para kasing pinapalabas mo na hindi naging tayo sa mga kaibigan mo eh. Ewan ko ba sa kanila! Bakit ba galit rin sila sakin? Hindi ko naman sinasadya na iwanan ka dati."

Nagsmirk ako. "Hindi sinasadya? So, ganun pala yun. Babalik ka dito na parang walang nagbago? Iniwan mo ko para sa pangarap mo diba?"

Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mata niya. Bakit siya umiiyak? Siya naman may gusto nun ah? Tss.

"Blake naman. Hindi mo kasi maintindihan."

Tinignan ko siya ng seryoso.

"Hindi ko maintindihan, Kim? Ang alin? Ah. Yung iniwan mo nga ako sa pangarap mo. Ni hindi ka man lang nagpaalam diba? Iniwan mo lang ako. Iniwan mo lang ako nung panahon na alam mong kailangan kita."

Naalala ko na naman lahat. Yung sakit na naramdaman ko nung iniwan niya ako. Tangna, iniwan niya ako kung kailan kailangan ko siya!

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon