Magic 8

7.6K 220 7
                                    

Ryzell in the multimedia

XXX

Chapter 8 : Ice

Raven's Pov

Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming pumila ni Kaera para bumili ng pagkain .

Napansin kong maraming earudyante na nandito at masayang kumakain may mga ilan na napatingin sakin kaya bigla akong napatungo .

Maganda rin dito sa Cafeteria dahil ang mga pader nito ay gawa sa salamin kaya nakikita ang unahang bahagi ng paaralan .

Bigla akong kinabahan ng naisip kong wala akong perang pambili.

Tinignan ko si Kaera nakita kong mukhang excited na excited itong kumain dahil pasipolsipol pa sya .

Inalis ko ang tingin ko kay Kaera at tinignan ko ang mga pagkain na mabibili sa cafeteria. Unang tingin palang mukhang mahal ang mga ito at more on na pagkain ay pang matataas na dugo kaya lalo akong napabuntong hininga .

'Raven hindi ka ba naeexcite kumain ? Bakit parang ang lungkot mo bigla ?' Napatingin ako kay Kaera ng bigla nya kong tinanong .

Halata sa mukha nya ang pagtataka . Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko bang wala akong pera o magsisinungaling na lang ako .

'W-wala kasi akong p-pera Kaera, at mukha kasing mamahalin ang mga pagkain dito ' mahinang sabi ko sabay tungo .

Hindi ko kinahihiyang wala akong pera o mahirap lang ako kung hindi ayaw kong layuan ako ni Kaera dahil dun .

Napatingin ako sa kanya nung hinawakan nya yung kamay ko . Nakangiti ito na parang natatawa .

'Ano ka ba Raven hindi lang ikaw wala rin akong pera ' ani nya kaya naman nagtaka ako .

Wala rin syang pera ? Pano kami bibili ng pagkain kung wala ?

'Lahat ng kakailanganin natin ay provided ng school . Mga susuotin natin, personal needs at maski pagkain kaya wala kang aalalanin ' dagdag nya pa . Na nagpaawang ng bibig ko .

Talaga?

'Ibig sabihin libre lahat ?' Tanong ko at napangiti ako ng tumango tango sya .



'Libre kaso mayroon din na mabibili dito Raven kung medyo sawa ka na sa pagkain . Nasa iyo yun kung kakain ka nung pagkain nung school o bibili ka ' paliwanag nya .


Wala akong idea na provided pala lahat ng school ang mga expenses namin . At okay na ko sa libreng pagkain kahit ano yun malaking pasasalamat ko ng may kinakain ako .

Pagkabili namin ng pagkain ay naghanap kami ng vacant na upuan . Ngunit kahit anong lingon namin ay akupado ito .

Hanggang may narinig kaming tumawag sa pangalan ni Keara .

'Kae ' kaya napatingin kami dito at nakita ko ang isang lalaking kulay dark blue ang buhok na kumakaway kay Kaera .

Nakita ko naman na ngumiti si Kaera dito at nagsimula kaming maglakad papunta sa lalaki .

'Insan musta ka na, gumagwapo ka ata ' bati ni Kaera sabay upo kaya umupo na rin ako .

Ngumiti sakin yung pinsan ni Kaera kaya nginitian ko sya pabalik .

'Hahaha! Wala akong mabibigay sayo Kae, Btw sino sya ?' Tanong nito sabay tingin sakin .

Hindi ko napansin na nagsisimula na palang kumain si Kaera ..

'Ah Best Friend ko si Raven, nga pala Pinsan ko si Ryzell ' sagot ni Kaera kaya nilahad nito yung kamay nya kaya tinanggap ko ito .

'Ay oo kilala kita ikaw yung babae taga belmoor na nakapasok dito . Namangha ako sayo nun nakita kita sa Arena ' bigla sabi nya kaya bigla akong nahiya .

Kilala nya ko?

'Nice meeting you Raven ' dagdag pa nya sabay ngiti sakin ...

Sobrang ganda ng ngiti nya, parang nagliliwag sya isama pa yung cute nyang mukha. Para syang isang anghel .

'N-nice meeting you rin Ryzell ' ani ko kahit na nahihiya ay ngumiti ako dito .

Pero teka , bakit parang ang pamilyar ng pangalan nya ?

'Raven kasali sya sa Rank 10 sya yung nakakapag manipulate ng yelo' ani ni Kaera na nabasa ata isip ko .

Nanlaki yung mga mata ko ng naalala ko yung sinabi ni Kaera . Ngunit ngumiti lang ulit sakin si Ryzell .

Kasali pala sya sa Rank 10 . Nakakakaba palang makakilala ng estudyanteng kasali sa rank 10 . Pero humuhupa yung kaba ko pagngumingiti sya .

'Kumain ka na Raven may klase pa tayo e ' utos ni Kaera kaya bigla akong napasubo ng binili kong pagkain .

'So roommates kayo ? ' tanong nito sakin kaya tumango tango ako .

Ang gaan nyang kausap parang katulad din sya ni Kaera na walang pake sa kalagayan sa buhay.

'Kung may kailangan ka o may problema o tanong ka wag kang mahiyang lumapit sakin . ' sabi nya .

'Salamat Ryzell ' sagot ko at bahagya syang nginitian.

'Hoy insan parang bigla atang hindi mo ko nakita nung pinakilala ko sayo si Raven 'biglang ani ni Kaera na puno pa ang bibig .

'Busy kang kumain dyan at table manners mo Kae ' sagot ni Ryzell .

Inismiran naman sya ni Kaera sabay inom nito ng tubig.

'Sus wag mong pormahan ang beat friend ko ah sasapakin kita' ani ni Kaera na nagpatawa kay RyZell .

Pormahan ?

'Hahaha! Sorry na Kae . '

Halatang close na close silang magpinsan . Napaisip tuloy ako kung may pinsan kaya ako ng kilala ko magiging close ko rin ba sya ? Tulad nina Kaera at Ryzell.



'Oonga pala mag sisimula na ang klase namin. Mauna na ko Kae at Raven see you around ' paalam nito at nginitian ulit ako .

Hobby nya ba talagang ngumiti ?

'Sige ingat ' sagot ko .

'Bye bye insan ' paalam naman ni Kaera .

XXX

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon