Chapter 7 - Rhianne?

285K 8.3K 1.6K
                                    

A/N

Bakit feeling ko alam niyo na ang magiging ending nito? :3 At talaga bang hanggang mystery/thriller nalang ako? Huhu di na ba ako pwede sa love story?

-OnneeChan

__________________________________________________________________

=x=x=x LOUISSE x=x=x=

"Rhianne?"

 

 

 

May nakatayong babae sa pintuan ng kwarto ko. Si Rhianne ba yun? 

 

 

 

"...Louisse..."

 

 

 

Tumakbo siya palabas. 

 

 

 

"Rhianne! Teka lang! Saan ka pupunta?!" Hinabol ko siya palabas ng bahay.

 

 

 

"Rhianne?"

 

 

 

"RHIANNE?"

 

 

 

"Louisse..." Tumingin ako sa likod ko. Muntik na akong sumigaw.

 

 

 

"A-anong nangyari sayo Rhianne..." tumutulo na ang mga luha ko at biglang nagdilim ang paligid.

 

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"MAXWELL!" Dinilat ko ang mga mata ko. Si Alexander ba yun?

"MAXWELL! TULUNGAN MO AKO!" Tumakbo ako pababa ng hagdan. Nakita ko siyang buhat buhat si Louisse.

"Anong nangyari?"

"Nagising ako tapos pagtingin ko sa kwarto niya wala siya." Nilapag niya si Louisse sa sofa. "Paglabas ko ng bahay para bumili ng almusal, nakita ko siya. Nakahiga. Sa gitna ng kalye."

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon