Chapter 5: Viex Zaffre

108K 2.6K 59
                                    

“Busy?” Napatingin ako sa pintuan ng FHCOL’s office nang may magsalita mula doon.

I smiled and nodded. It’s Syn. Nakadungaw siya mula doon. Hindi talaga marunong kumatok ang isang ito.

Binuksan niya ang pinto para tuluyan siyang makapasok at inilibot ang tingin sa buong office namin. “Ikaw lang mag-isa dito?” she then asked. Siguro tapos na rin ang klase nila. Hapon na kasi at nang matapos ang klase ko, dumiretso agad ako rito.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga files na hawak ko at saka sumagot. “Yep. May klase pa si Mishie. Si Nij naman, pinatawag ni Master A.” Tatlo lang naman kasi kami dito sa office. Weird man para sa isang student government, pero tatlo lang kaming officer. Pero hindi lang naman kami ang member ng Circle of Leaders. Under din namin ang bawat officers ng bawat klase sa buong High School department ng Finelry.

“Oh.” Iyon lang ang sinabi niya at saka umupo sa couch na lagi niyang pinupwestuhan kapag pumupunta siya rito. “What’re those?” dagdag pa niya.

  

Nakakunot noo naman akong tumingin sa kanya na nakatingin sa mga papel na hawak ko. “Oh. These? Proposal ng presidents ng bawat sections para sa mga gagawin nilang booths for sem-ender party.” Paliwanag ko. Kailangan kasi ng booths para sa umaga. Then ang student council na ang bahala sa totoong party para sa gabi. After ng party-ng iyon, 2 weeks ang pahinga ng students. Lahat kami ay required na umuwi sa kanya-kanyang mga bahay namin.

Tumango naman siya. “Ayaw mo talagang nagca-cram ‘no? You still have 3 weeks to prepare for that party. You’re stressing yourself.” Sabi niya habang nakatingin sa’kin ng seryoso.

I just smiled at her at saka ko itinuloy ang ginagawa ko. Kailangan nalang namang aprubahan ang mga proposals na ‘to, then sila na bahala sa pagseset-up at sa lahat ng gagastusin o sa kung ano pa man na kakailanganin nila para sa mga booths na napili nila.

“Mas okay na ‘to.” Yun lang ang nasabi ko.

“Whatever, Ms. Top Student.” Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong sinabi niya iyon with matching irap pa. Natawa nalang ako. Syn, the sarcastic princess. What will I expect? “Nga pala.” Sabi niya sa bored na tono. Hindi ako nagsalita at naghintay nalang sa sasabihin niya.

“That Viex Zaffre.” Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalang iyon. Nag-uumpisa na namang magsitaasan ang mga balahibo ko. Marinig ko lang ang pangalan niya, naiimagine ko na agad ang mga malalamig na tingin niya. And it creeps me out. Geez.

“Si Viex? What about him?” I asked na parang wala lang sakin ang sasabihin niya about sa monster na iyon.

“I heard from my ‘chismosa’ classmates na dapat pala, sa section namin siya. Our instructor’s also looking for him earlier. Pati yung Roanna. His sister? Siya lang yung nandoon sa room namin kanina. And she’s so damn weird… and irritating.” May halong inis na ang boses niya ng sabihin niya ang pangalan ni Roanna.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon