Chapter 21 : The Statistics of Highschool Relationships

283K 14K 16.4K
                                    

19.

The Statistics of Highschool Relationships.

Puma’s Point of View

 

 

Namumugto ang mga mata ko nang dumating ako sa school kinaumagahan kaya panay ang pagyuko ko para walang makakita. Nakakainis, bakit ba kasi ako umiyak. Bakit ko iniyakan ang Chord na yun? Hindi ko siya dapat iniyakan. Ang babaw-babaw ko.

 Hindi pa natatapos ang celebration ng intramurals kaya wala munang matinong classes pero mas gusto kong sa classroom nalang muna maglagi.

“Puma!”  Bigla akong sinalubong ni Luigi sa classroom. Nakaupo siya sa armchair ko habang kumakaway na para bang bata.

“Let me sit please.” Kalmado kong pakiusap sa kanya dahil wala ako sa mood na sigawan o tarayan siya.

“That’s it? No paniki? No harsh words? No death glare? Pero ang cute mo Puma, mukha kang panda dahil sa mga mata mo.” At talagang nakuha pa niyang mang-asar. Bwisit.

“Im not in the mood right now Luigi. Im really not.” Napabuntong hininga na lamang ako. Nawala ang ngiti sa mukha ni Luigi at tumayo na lamang siya upang paupuin ako.

“Thanks.” Agad akong umupo at inihiga ang ulo ko sa desk. Ewan ko ba pero wala talaga akong gana ngayon. “By the way salamat pala sa paghatid kagabi.” Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung hindi niya ako binalikan kagabi. Inihatid niya ako sa bahay kagabi pero hindi ko na nagawang magpasalamat.

“Anytime Fletcher.” Sumaludo siya at ngumiti.

“But seriously Omario, Thank you. I owe you one.”

“Since you owe me, do me a favor and stop being sad.”

“Im not sad. Im just sleepy.” Giit ko sabay hikab.

“Anyare dito Pugi?” Nagulat ako nang biglang sumulpot si Cooper sa harapan namin. Kapansin-pansin ang pamumutla niya.

“Cooper anemic ka ba? Ang putla mo na naman.” Pahayag ko ngunit napangisi lang siya.

“Puma nakagat ba ng ipis yang mata mo?”

Oo na tatahimik na ako. Matutulog nalang sana ako sa desk ko kaso biglang hinigit ni Luigi ang braso ko.

“Tara libre mo nalang ako sa Cafeteria.”

"Siopao sakin! Tapos kahit na anong softfrink basta coke!" Masigla namang sambit ni Cooper. Langya tong mga to.

- - - - - - - 

Kasama ko ang dalawang nagpunta sa cafeteria. Naramdaman kong para bang may nakatingin sa akin ng masama, Si Riza pala kasama ang mga alipores niya. Naka-cross pa ang arms niya habang nakataas ang kilay. Alam ko anong problema niya, naiinis na naman siya dahil kasama ko si Luigi niya. Wala akong pakialam kayat inirapan ko nalang siya. Marami akong pinoproblema at inaaalala ngayon kaya wala talaga akong pake.

Papasok na sana ako sa cafeteria kasunod ng dalawa ngunit nagulat ako nang bigla na lamang hinarangan ni Luigi ang dinadaanan ko na para bang ayaw akong papapasukin.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon