Chapter 207

813K 29.9K 29.6K
                                    

A/N: Happy Anniversary sa AMNSE. That was last July 26. One year na ang kakulitan ng mga Ulupong.

Happy 2k Members din sa aming FB Group: Tropa ni eatmore2behappy

Happy 2k Members din sa aming FB Group: Tropa ni eatmore2behappy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cold

Yuri's POV

Jay-jay is acting weird. Halos lahat kami napapatingin sa kanya. Ang likot-likot nya sa upuan at parang may kung anung gustong gawin.

"Ayos lang ba si Jay-jay?" Tanung ni Felix.

I shrugged. Kahit kasi ako hindi rin masasagot yun. This morning ang cold nya samin then after lunch ganito na sya.

"Anak ng pvta!" Sigaw ni Jay kaya napatingin na naman kami sa kanya. "...Ang init talaga!"

But it's actually a bit cold.

Malulam ang panahon mula kaninang umaga kaya hindi ganun kainit. Tinanggal nya ang necktie nya at bahagyang binuksan ang blouse. Sumisilip ang panloob nya dahil don.

Agad akong tumayo at nilapitan sya. Nakikitaan na sya sa ginagawa nya.

"Jay... Ayusin mo yung uniform mo." Utos ko pero inirapan lang nya ko habang nagpapay-pay gamit ang kamay.

"Amoy alak si Jay-jay." Bulong sakin ni Ci-N.

Alak? Panu'ng...

"Sinong nagbigay sayo ng alak?" Mahinahon kong tanong.

"Paki mo." Bored nyang sagot sakin.

Pinagpatuloy nya ang pagpaypay gamit ang kamay. She's not drunk but a bit tipsy. I can tell from her action.

"Ayusin mo uniform mo. Nakikita na yung----SHIT!" Malakas ang naging mura ko ng buksan nya ng tuluyan ang uniform at lumantad ang hindi dapat.

Mabilis kong hinubad ang polo ko at pinantakip sa harap nya. Sinubukan nyang alisin yun pero hinampas ko ang kamay nya. Tinignan nya ko ng masama.

"Mainit nga sinabi!" Sigaw nya sakin.

Epekto yan ng alak... Buti nalang at hindi sya nalasing.

"Sino bang nagbigay sayo ng alak?" Medyo inis na tanung ko.

"Lolo mong panot."

Napahawak nalang ako sa sintido dahil sa inaasta nya. Ang lamig maki-tungo, puro pambabara at pamimilosopo at hindi maka-usap.

That's the price Yuri, that's the price.

"Pvtang'na! Ang init talaga!" Sigaw nya at binato ang polo ko sa mismong muka ko.

"What the..." Dinig kong sabi ni Keifer.

Napatingin ako sa kanya na kakapasok lang sa pinto. Salubong ang kilay nya at nakatingin sa kabuuan ni Jay-jay.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon