Hindi ako nakagalaw. Ang tanga tanga mo naman Ronnie! Tumakbo ka na dali!
"Miss beautiful, maglaro pa tayo." nangilabot ako sa tono ng boses niya. Pati yung mga mata niya namumula. Mukha siyang nakadrugs.
Asan ang boses mo Ronnie? Asan na napunta? Bakit hindi ako makapagsalita? San na napunta ang tapang mo? Nakakainis. Papalapit na sila. Ilang hakbang na lang.
Pati paglunok ko ng laway ang hirap. Parang bato sa sobrang sakit sa lalamunan.
"Haha. Oh bakit hindi ka nagsasalita?" sabi niya, yung isang kamay asa loob ng bulsa ng pantalon niya. "Mga pare, ganda niya no?" pagpapatuloy niya at gumawa ng ingay ng pagsang-ayon yung mga kasama niya.
Napatikhim ako. Parang isang sandali biglang nablanko yung utak ko. Hindi naman ako matatakutin ah pero bakit bigla na lang atang nawala yung will power ko at hindi makagawa ng utos yung utak ko sa mga paa ko.
Napababa ang tingin ko dun sa mga hawak kong garbage bag.
"P.ta!" sigaw nung lalaking asa pinakaharapan na pinakamalapit sa akin. Binato ko sa kanya yung mga garbage bag. Hindi ko alam kung san ko nahugot yung lakas ng loob na yun where in fact parang kunti na lang mapapaupo na ako sa sobrang takot.
Papatakbo na sana ako para buksan yung doorknob ng pinto pabalik sa kusina ng cafe nang biglang maramdaman kong may yumakap sa beywang ko.
Sh.T! Naramdaman ko yung ilong niya sa may bandang leeg ko at sinisinghot niya ito. F.ck!
"Bitiwan mo ko!" sigaw ko pero mas humigpit pa yung yakap niya sa akin. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko kumakapit sa buo kong katawan yung nakakadiri niyang amoy. Amoy sigarilyo, alak at basura. Nagpapadyak ako pero tumawa lang siya. Naramdaman ko yung pagvibrate ng dibdib niya sa likod ko at parang malilit na dagang gumagapang sa buo kong katawan.
"Akala mo matatakasan mo ko? Lakas din ng loob mong gawin yun ah." bulong niya sa akin at pakiramdam ko nanigas na lang ako bigla sa dating ng boses niya sa tenga ko. Mga demonyo kayo!
"Kit! Mi-hmm!Hmm!" biglang may tumakip sa bibig ko at hindi ko naituloy ang pagtawag ko kila Kit. Ramdam ko ang anghang sa mga mata ko. Bakit to nangyayari sa akin?
Mas pinatunayan lang nila ang tingin ko sa mga lalaki. Mga hayop sila!
"Shhh. Promise ko naman sayo mag-eenjoy ka din." mabagal niyang bulong at nanlaki yung mga mata ko. Tuluyan ko nang naramdaman yung pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko. "Palaban ka masyado, ganyan ang gusto ko."
Gusto ko sanang magsisigaw pero nakatakip pa rin yung kamay niya sa bibig ko at mas wala akong nagawa nung tinawag niya yung iba pa niyang kasama at sila ang humawak sa akin para sa kanya.
Ramdam kong hawak ng isa ang dalawa kong kamay sa aking likuran at yung isa naman ay mahigpit ang pagkakayakap sa akin mula sa likod habang nilalanghap ang buhok ko. Nakakadiri ang ginagawa nila sa akin. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko na! Pakiramdam ko para akong pinaparusahan ng Diyos sa nangyayari sa akin.
Ramdam ko ang sakit sa aking magkabilang pisngi dahil sa higpit nang pagkakahawak dito nung dating nakaakap sa akin.
"Ang sarap mo." sabi niya at nilabas niya ang dila niya at unti unting nilapit sa akin. Napapikit ako ng mahigpit at nag-umpisang magpumiglas ulit hanggang sa magsisipa na ako sa kinatatayuan ko.
Mga P.nyeta kayo! Mga anak ng demonyo! Wala ba kayong mga kapatid na babae, ate o imposible namang wala kayong mga nanay! Pano niyo to nagagawa? Ang bababoy niyo!
"Pagkatapos mo dyan Cael, ako naman!" sabi ng isa at rinig ko ang halakhakan nila. Sh.t Kit! Min! Ririn! Ren! Hindi niyo ba naririnig ang ingay dito sa labas!? Hindi ba kayo lalabas para tignan? Wala bang dadating dito na magliligtas sa akin!?
Ganitong laro pala ang sinasabi nila!? May nalalaman pa silang picture picture eh mga sira ulo pala ang mga to!?
"Manahimik ka nga! Malaki laki rin ang bayad ko dito! Jackpot. Presidente ng St. Celestine to. Kuhanan niyo kami ng picture!" nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi nila. Paanong? Paano niya nalaman na dun ako nag-aaral at ako ang presidente dun? Sh.t! Lahat na ng mura pwede ko nang sabihin! Ano to!? Anong biro tong pinagsasabi nila?
Nahihibang na ba sila? Di ba college students sila? Saan ba sila nag-aaral? Sino sila? Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Pero wala akong mapanghugutan ng maisasagot. Wala akong magawa!
Nakita kong ibinalik niya ang tingin niya sa akin at nakangising demonyo na siya. Pilit kong tinatandaan ang mukha niya para makapaghiganti ako pero bigla niya akong hinawakan sa likod ng leeg ko at akmang susunggaban. Iniwas ko ang mukha ko pero hinawakan niya ito ng mahigpit gamit ang isang kamay.
"Huwag ka nang magpumiglas miss president. I know we'll both enjoy this."
----
Ano na ang mangyayari kay Ronnie? Sino tong mga demonyong lalaking ito? May darating bang magliligtas sa kanya? Sino!??
L
