Gavin's After Life 14.

1.4K 34 0
                                    


14.
Early morning may narinig na akong kumatok sa pintuan ko at binuksan din ito. Nakita kong pumasok sa Nana Lourdes and she led Donna in.

Tinotoo niya nga ang sinabi niyang babalik siya dito ngayong umaga to check me, pero aware ba siya na hindi pa siya nakapag prepare para sa school? This day is our all arts day, kaya naman I'm always excited pagdating ng friday.

Friday is the most exciting day of the week, kasi sa araw na to minomotivate ang passion namin in arts. Kahit sa sketching na pinagpractisan ko palang ay marami na agad naka-appreciate sa mga gawa ko.

I don't hate hearing appreciation, yet I don't want to hear it too. Everytime they tell me na napakagaling ko, I just tell them na practice makes all things perfect.

Naupo si Donna sa kama ko at nagkunyari akong tulog pa din. Niyugyog niya ako para gisingin but nagpatuloy parin ako sa pagpretend.

"Itong batang to oh, anong oras na oh tangahali na ayaw pang gumising" pabiro niyang sabi na tila isang striktong magulang.

Di pa rin ako gumising at nagkunyari pa din akong tulog. Maya maya pa ay naramdaman kong may lumapit sa akin. Bigla akong naupo nang may binulong siya sa akin.

"Kapag di kapa gumising, hahalikan kita sa lips sleeping beauty"

She smirked nung nakita akong napaupo at humalakhak na parang wala nang bukas nung makita ang reaction ko.

"Seryoso Donna? Are you a tomboy?" Pagalit na tanong ko.

"Duh! Bakit naman ako magiging tomboy? Campus sweetheart yata to no" pagmamayabang niya.

"Whatever campus sweetheart. Kung ano man tawag nila sayo basta ang alam ko, hindi kapa nakapag prepare para pumasok"

Bigla siyang natauhan sa sinabi ko. It's already 6:30am at medyo malayo pa dito ang bahay niya. Kaya naman may posibilidad na ma late siya kung di agad siya umuwi ngayon.

"Kasalanan mo to Isabelle ee, dapat tinawagan nalang kita. Sige uuwi na ako, kita nalang tayo sa school. I love you"

"Haha! Sira ulo talaga. Sige, ingat ka. I love you too"

Nag flying kiss muna siya sa akin at bago lumabas she's like seducing me. Siguro kung di lang ako babae, pinatulan ko na siya. She's so seductive even for a girl like me.

-

Nakita kong naghihintay nanaman sa labas ng gate si Limuel with a worried face. Napaisip ako, kaya naman tinanong ko na agad siya kung anong nangyari.

"You're getting comfortable with Donna already huh?" Yan ang sagot niya sa tanong ko.

"Layo naman ng sagot mo sa tanong ko Limuel, pero It's good right? Nagbago na siya, and we're comfortable with each other"

"C'mon Isabelle, nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa'yo?"

"Hindi ko naman yun nakakalimutan Limuel, and I know what I'm doing okay? Thanks sa concern but I'm okay"

"I know that Isabelle, but I know her better than you. Alam kong may pinaplano nanaman siya kaya siya lumapit sayo"

Di na ako sumagot kay Limuel dahil dumating na din si Donna. There's a grin on her face, she looks so happy free. Lumapit siya sa amin at sabay sabay na kaming pumasok.

Naghiwalay kami pagdating sa corridor at nagpunta sa kanya-kanyang silid. Pagpasok ko sa loob ay binati ako bigla ng lahat na para bang isa akong espesyal na bisita. Bumalik na ang mga ngiti ko mula nung nagbago na si Donna at naging magkaibigan kami.

Next two weeks graduation na namin. Dati gustong gusto ko nang makagraduate at makawala sa paaralang ito. Pero ngayon parang gusto kong iextend ang two weeks para naman magkaroon pa kami mahaba-habang bonding.

-

It's our break time kaya naman nagpunta ako agad sa canteen dahil bigka akong nagutom. Habang nasa gitna ako ng paglalakad, nakita ko si Donna with her former group na nag-uusap, at mukhang seryoso ang usapan nila.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa nakita ko. Bigla kong naisip na siguro tama nga si Limuel, mas kilala niya si Donna kesa sa pagkakakilala ko sa kanya. Dumeretso ako sa canteen at nag order na ng pagkain.

Someone waved a hand from afar, medyo lumapit ako para makita kung sino and it's Limuel. Nag reserve na siya agad ng table para sa amin.

Ako naman ngayon ang nagkaroon ng unknown facial reaction. Napansin yun ni Limuel kaya nagbago na rin ang reaction ng mukha niya and he ask me what happened.

Umiling lang ako, hindi ako maka-imik dahil parang naiiyak na din ako. I'm a kind of person who is very sensitive in all things. Sobrang choosy ko pagdating sa magiging kaibigan and I never failed in choosing one. Never!

Di ko maintindihan kung bakit nakikita ko ang sincerety sa mukha ni Donna, di ko alam kung bakit totoo siya sa nakikita ko, I mean hindi siya nagpapanggap.

Tahimik lang kami ni Limuel at maya maya lang ay dumating na din si Donna. May dala din siyang tray ng pagkain at naupo sa isang bakanteng upuan sa table namin.

"I'm sorry guys, I'm late. May inasikaso pa kasi ako" sbai niya sa amin.

Ngumiti lang ako sa kanya at masakit ang tingin sa kanya ni Limuel. Sinagot niya ito ng pabalang.

"Sino ba ang naghihintay sayo?" Tanong ni Limuel.

"Sino bang nakikipag usap sayo?" Sagot nito.

"Guys tama na, kain nalang tayo" sinabi ko with an emotionless tone.

Nagtinginan silang dalawa na parang tinatanong ang isa't isa kung anong nangyare. I smiled at them saying it's nothing, just a mood swing.

Wala akong ganang kumain kaya tiningnan ko nalang sila at binigay ko kay Donna ang pagkain ko. She'll never refuse kahit ano pang i-offer mo sa kanya, food is life daw kase.

Matapos nilang kumain, tumayo si Donna at sinundan siya ni Limuel. Medyo nagduda ako sa galawa nilang dalawa kaya nung medyo makalayo na sila ay tumayo na din ako para sundan sila.

Nadaanan ko ang table ng IT girls na dating kasama ni Donna. Tumingin lang ako sa kanila at tumingin din ang nagsisilbing leader nila sa akin. Nung medyo makalayo na ako sa kanila, lumingon ako at nakita kong isa-isa na din silang tumayo mula sa table nila.

Dumeretso ako sa hallway kung saan nakita ko silang lumiko. Nang malapit na ako sa labasan ng canteen, may narinig akong nag-uusap sa may corner. Dahan dahan akong lumapit para pakinggan ang pinag-uusapan nila.

'Nakuha mo na nang tuluyan ang tiwala niya ha?' Sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

'Oo naman Kieth, ako pa ba? Di ako matatawag na campus sweetheart kung di ako magaling in pretending you know' mayabang na sagot ng isa sa kanila.

Napaatras ako sa narinig, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ako ang pinag-uusapan nila.

Si Limuel at Donna, they're both tricking on me.

***

Author's note: Sorry for the grammatical error. Haha! Siguro ito na muna sa ngayon guys, wait for the next update after 15 days. Thank you for reading.

Gavin's After Life | On-Going | Under EditionOnde histórias criam vida. Descubra agora