Chapter 9

174K 8.2K 8.8K
                                    

DEMONYO?



Si Lola Soler ay isang demonyo?


Kinikilabutan ako dahil sa mga drawings ni Klay. Pero nang malaman kong si Lola Soler ang mga drawing na ito ay mas natakot ako.


Tiningala ko ang lalaki. 


Ibinaling lang niya ang kanyang paningin sa kawalan.


Kinuha ko ang kanyang kamay, malamig iyon. "Please, tell me. Isulat mo sa palad ko ang gusto mong sabihin."


Hinuli niya ang aking pulso at pilit akong pinapapasok sa lagusan na nasa pader.


"No, Klay! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalaman ang totoo!"


Humigpit ang pagkakakapit niya sa pulso ko. Nag-iigting ang kanyang panga matapos niya akong titigan nang masama. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin at yakapin nang mahigpit.


Sandali akong natulala sa ginawa niya.


At para akong mabibingi sa tibok ng puso na naririnig ko. Ni hindi ko alam kung puso ko ba iyon o puso ng matigas na dibdib na sinasandigan ko.


Malamig man ang kanyang palad ay mainit naman ang kanyang katawan. Lalo na ang init ng kanyang mabangong paghinga sa noo ko.


Marahan siyang kumalas saka itinaas ang aking mukha upang magpantay ang aming paningin. Naghinang ang mga mata namin ng ilang segundo bago niya inilipat ang tingin sa lagusan sa dingding.


Napatulala ako. Ano ang ibig niyang sabihin?


Pero mas interesado ako sa kung anong ibig sabihin ng pagyakap niya sa akin?


Naipilig ko ang ulo ko. Para na akong mapa-praning. Imbes na matakot ako sa pagpapatakas niya sa akin, ay parang mas gusto kong mag-stay at kulitin siya kung para saan iyong yakap eclavu niya kanina. Para kasing hindi ako matatahimik hanggat hindi ko malaman kung bakit.


Nakakaloka. Para akong biglang binalot ng kakaibang pakiramdam, siguro dahil stranger pa rin si Klay sa akin. Ganito nga siguro ang feeling ng mayakap ka ng taong hindi mo kilala.


"Bakit mo ako..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko sana dahil hinawakan niya muli ang kamay ko.


Nagulat ako ng muli niya akong hilahin at ikulong sa mga bisig niya. Kasing higpit nang kanina, pero mas mabilis niya akong binitawan pagkatapos.


"K-Klay?"


Tumungo siya at itinaas ang isang braso, ang daliri niya ay naka-point sa lagusan.


Umiling ako. "A-anong ginawa sa'yo ni Lola Soler? S-sinaktan ka ba niya?"


Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon