PITO

676 6 2
                                    

(Requested by : JeroxxNigga. Thanks for reading brad :D )

Paano ko nga ba sisimulan ito? 
Kailangan ko pa bang kumaway at batiin kayo?
Paano ko nga ba ulit sisimulan ang aking kuwento?
Kuwento na marahil ay pamilyar at di na bago sa pandinig niyo.

Lahat ng tao sa mundong ito ay nagkakasala.
Ang iba'y aksidente, ang iba'y sinasadya.
Sa haba ng listahan ng inyong mga kasalanan, PITO lang ang dapat husgahan.
PITONG kasalanan na hindi talaga maiiwasang gawin ng sangkatauhan.

Magbibilang ako at magkukuwento ako sa inyo.
At sana'y pagkatapos ko ay makapag-isip-isip na kayo.
Sa pamamagitan ng tulang ito, nais kong buksan ang inyong isipan.
Na may ibang mga taong sinadya at di sinasadyang gumawa ng kasalanan.

ISA...

Likas na sinungaling ang ibang mga tao.
Karamihan sa atin ay sinasadyang gawin ito.
Isang kasinungalingan kapalit ng kalayaan o mga luho.
Mga taong nabubulag agad sa salapi at ginto.

May iba namang napipilitan lamang magsabi ng hindi totoo.
Mga taong sinakop ng takot at pangamba ang puso.
Sa takot na mapahamak ay mas pinili nalang nilang na magpanggap na walang alam.
Mga taong di matatahimik dahil sa bumabagabag sa kanilang agam-agam.

DALAWA...

Di natin maipagkakaila na ang kasalanan na ito'y kadalasang sinasadya.
May ibang mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili nila.
Sa sobrang taas, nalimutan na nilang lumingon sa kanilang pinanggalingan.
Mga taong hindi alam kung paano tanggapin na mali sila kaya madalas na nasasaktan at iniiwanan.

TATLO...

Lahat tayo'y nakakaramdam ng inggit.
Inggit na kadalasa'y nagbubunga ng galit.
Normal lang na makaramdam nito, ngunit masama kapag sumobra.
Kaya may ibang mga taong hinihila pababa ang mga mas nakahihigit sa kanila.

Mula sa mga gamit, atensyon, hanggang sa magandang itsura.
Ito ang kadalasang kinaiinggitan ng iba.
Kaya dahil sa inggit, may ibang nakakagawa ng masama.
Dahil ito sa kagustuhang makamit at makuha ang mga bagay na wala sa kanila.

APAT...

Isa rin itong kasalanan na minsa'y hindi sinasadya.
Ang ibang mga tao ay pinanganak na may maiksing pasensya.
Kaya sa konting pagkakamali mo, nagagalit agad sila.
Walang pakialam kahit pa sila'y makapagsalita ng masama.

Minsan naman ang kasalanan na ito'y sinasadya.
Dahil may ibang mga taong nagtatanim ng galit sa kanilang kapwa.
Natural lamang iyon dahil sila ay tao rin tulad natin.
Isa rin itong ugaling hindi talaga natin maiiwasang gawin.

LIMA...

Isa sa mga tinuro satin ng Bibliya ay ang sumampalataya sa ating Ama.
Ngunit may iba na tila nakalimutan na ang magdasal at magsimba.
Hindi dahil sa abala sila sa kanilang aralin o trabaho.
Kundi dahil sa abala sila pag-gamit ng gadgets at paglalaro.

Kapag sila'y iyong niyaya na mag-simba ay agad na tatanggi.
Dahil nakakaantok lang daw makinig sa mga sermon ng pari.
Kapag pinilit mo'y magagalit sila sayo at sasabihan ka pa ng masama.
May mga tao talagang nakalimot ng magpasalamat sa mga natanggap nilang biyaya mula sa ating Ama.

ANIM...

Isa pang kasalanan na di maiiwasan ay ang paghahangad ng higit pa.
Mga taong hindi marunong makuntento sa kung anong meron siya.
Mula sa pagkain, alahas, ikalawang kasintahan, ginto at salapi.
Mga bagay na kadalasa'y hinahangad din ng marami.

May mga taong masyadong nagpapasakop sa pagiging madamot.
Mga mahilig mang-angkin ng mga bagay pati mga gamot.
Di bale ng may mga taong nahihirapan at nagdudurusa.
Basta ang mahalaga sa kanya'y nakuha na niya ng gusto niya.

PITO...

Ito na siguro ang pinaka-pamilyar na kasalanan ng ibang mga tao.
Ang mahulog at magmahal ng taong hindi naman sayo.
Di bale ng maging kabit, ang mahalaga'y mayroong "kayo".
Mga nabulag sa pag-ibig kaya nalimutan na ang salitang hiya at respeto.

Kahit alam na may asawa na, pinagpatuloy pa rin ang relasyon.
Relasyong mahigpit na ipinagbabawal mula pa noon.
May ibang nagsasabing walang mali sa ginagawa nila.
Nasasabi niyo lamang iyan dahil wala kayo sa posisyon nung legal na asawa.

Sa ngalan ng pag-ibig, lahat ay isinugal at tinalikuran.
Madami na ang mga taong nakagawa ng kasalanan.
Kahit alam mong mali, ang puso mo pa rin ang iyong pinakinggan.
Kaya natakpan na ng makapal na usok ang iyong mga mata at isipan.

Hindi lahat ng kasalanan ay sinadya, kaibigan.
Dahil minsan mahirap at hindi talaga ito maiiwasan.
Walang perpektong tao dito sa ating mundo.
Kaya ang magagawa mo nalang ay ang humingi ng tawad at pagsisihan ito.

Lahat ng kasalanan, ay may dahilan.
Lahat ng kasalanan, ay mayroong kabayaran.
Ngunit walang kasalanan ang walang kapatawaran.
Dahil kailanman, hindi tayo magagawang talikuran ng ating Ama na makapangyarihan.

*********
P.S.
Well... I guess natapos ko siya earlier than I expected. Trust me, I tried my best. Hahahahaha!!
Sorry if it's not good enough. It might not have turned out to be what you expected it to be but at least I kept my word that I will write a poem about the topic you requested. But if it does satisfy you and if you think it's good, then I'm glad you liked it. :)
Thanks again for reading JeroxxNigga :D

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon