MAMA REGRETS

1.6K 22 2
                                    

Hello, reader po ako ng spookify. Matagal ko nang gustong ishare to, kaso nagdadalawang isip ako. Di po ako masayadong naniniwala sa ghost, or any entities na nababasa ko, im more on scientific explanation, pero i enjoy reading kasi mahilig ako sa horrors. Im a fan of your page by the way. It is not creepy as other stories pero sana may mapulot po kayo. Mahaba siya pero sana pagtyagaan niyo po.
Im D, 17 years old at magfo-4 years na pong patay yung mama ko. Nangyari tong experience ko nung nasa province kami, sa burol niya. She died September 17, 2013, bale 13 years old pa lang ako nun. Sakit niya po is sa kidney( manginginom po kase siya talo niya pa yung papa ko tsaka sobrang hilig nya sa maanghang, as in pag kumakain siya ng mangga sawsawan niya asin tapos dudurugan niya ng sili ganun, mahilig din siya sa softdrinks, yung maliit na bote ng softdrinks na sobrang lamig, dalawang lagukan niya lang) sakit na din po yun ng papa ko bago siya nagkasakit nun si mama, nag 50/50 na din si papa nun sa ospital, halos wala nang tumatanggap sa kanya kase sobrang lala na daw at di na kayang gamutin. Nung may sakit si papa, kitang kita ko yung pagmamahal niya kay papa, kung pano niya alagaan si papa, kung gano niya to kamahal. Hanggang sa gumaling si papa tas si mama naman yung nagkasakit. Dumating pa sa time na nung nagpacheck-up si mama kase ilabg buwan na siya di nagkakaroon, ang sabi ng doctor buntis daw si mama tas yun pala hinihigop na ng kidney niya yung dugo. Hirap kami nun kase naggagamot parin si papa habang naggagamot din si mama pero nakakaya parin namin. Hanggang sa dumating yung time na sinabi ni mama uuwi nalang daw siya ng province (Iloilo), dun niya daw gusto magpagamot, sa tabi ng nanay niya. Ayaw man namin pero wala kaming magagawa, kase yun yung gusto ni mama tsaka para may mag alaga na din sa kaniya. So bago sila umalis(ihahatid ni papa si mama, tas babalik din siya agad), ginising nila kami, nagpapaalam si mama, kita mo sa mata niya na maiiyak na siya, parang ayaw niya kami iwan pero kailangan. Umalis na sila, nakabalik na din si papa after 2days kasi walang mag aalaga samin. 13 ako, 9 at 7 yung sumunod sakin. Naggagamot na sa province si mama, inaalagaan siya ng mga kapatis niya, pamangkin tas tumatawag siya samin. Ang lagi niya lang nakakausap sa phone is yung dalawang kapatid ko tsaka si papa, ayokong makipag usap sa phone, hindi dahil ayoko makausap si mama kundi dahil di ako sanay makipagusap sa cp, medyo introvert kase ako. Pinapagalitan ako ni papa, kaso ayoko talaga. Lagi yun, usap sila tas ako makikinig lang, pipilitin nila ako tas ako tatanggi, ganun lagi. Hanggang sa gisingin ako ni papa isang araw, galit siya, "toot gumising ka dyan, bakit ayaw mong gumising patay ka na din ba?" Tandang tanda ko pa yung sinabi niya. Tas sinabi niya sakin na patay na nga daw si mama, iyak na ko ng iyak nun. Tapos nung umalis si papa, tinext ko yung pinsan kong nag aalaga sa kaniya, tinanong ko nung te totoo ba? Patay na si mama? Tapos ang sabi niya hindi, edi ako naniwala tumahan na, masaya na ko. Tapos tinext ako makalipas yung isang oras na yun na nga patay na si mama. Triny pa nilang itago. Kung saan saan kami nanghiram ng pera para makauwi agad ng province. Dun na nangyari yung di ko makakalimutang panaginip na nangyari sakin. Sa panaginip ko andun si mama sa bahay namin, nakalagay sa isang kahon, tapos nakalabas lang yung ulo niya, pinakain ko siya tapos pinainom ko ng gamot. May hinahanap ata ako tapos pag harap ko sa kaniya nakapikit na siya, naiyak na ko nun, tapos bigla akong sumigaw ng "MAMAAAAAAAAAA" tapos pagkagising ko umiiyak na pala ako. Yun lang yung una at huling beses na nagpakita o nagparamdam sakin si mama. Andi kong regrets kasi kwine kwento ng mga tita ko na sobramg nagtatampo sakin si mama kasi di ko siya kinakausap sa phone. Sobrang nagsisisi ako. Siya yung hero ko, bestfriend ko at ang pinakadabest na mama ko. Sobrang nagsisisi akong di mab lang kita nayakap, di man lang kita nasabihan ng iloveyou. Di ko napadama kung gaano kita kamahal. Sana nagawa ko pa yun lahat, sana. Ngayon ma, hindi na ako buo, hindi ko na mahanap yung sarili ko. Dala mo ata yung puso ko kung saan ka man pumunta. Unti unti ko pang binubuo yung sarili ko, matatanggap ko din na wala ka na Ma. Soon.

PS:Pahalagahan niyo yung mayroon kayo. Pahalagahan niyo yung parents niyo. Gawin niyo yung hindi ko nagawa.
PSS:Mahal na mahal kita Ma, sana ramdam mo kahit di ko na maparamdam sayo.

AteMongNawalan
Cavite

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now