When i was in college i used to collect yung mga angel figurines. Mahilig ako sa angel kasi naniniwala ako na lahat tayo may taga bantay na anghel.
Year 20**,yun na ata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Nag miscarriage ako sa panganay ko. Nagising ako sa hospital na napapalibutan ng doctor and nurses. Sabi nila buo na daw sana nasa 4 months na sana ako non. Pero wala akong nasa isip non kundi galit. Kung bat nangyari sakin yon. Bakit sila andali nilang magbuntis samantalang ako andun nasa hospital walang baby na mauuwi. Umiiyak ako araw araw,ayokong lumabas kasi natutulala ako pag may nakikita o nakakasalubong akong buntis non unfair eh bat sakin nawala. Sinabi sakin ng partner ko non kung gusto ko na ba daw na kunin yung fetus sa hospital at ilibing hindi nanaman kasi dugo yon eh. Pero hindi ko alam kung kaya kong makita yun. Ang hirap eh kahit pa 4 months lang sya sa tyan ko non naramdaman ko yung pintig nya eh.
Hindi ko maramdaman yung concern nung partner ko non. Siya din naman dahilan kung bakit nastress ako ng panahong yon. Naisip ko tuloy siguro naramdaman ni baby na magulo magulang nya kaya siguro hindi na hinayaang magstay pa sya samin. Nagalit ako sa mundo to the point na gusto ko na ding mawala pero hindi ko maatim na gawin yun kasi nagdadasal din naman ako madami lang ako tanong kay God kung bat ganon bat ganyan.
Then may isang panaginip ako na ang ganda. May baby boy daw nakangiti sya sakin ang ganda ganda ng ngiti nya. Ang gaan ng pakiramdam ko. Kahit nung magising ako ang gaan lahat.Para bang sa isang iglap nawala lahat ng sakit. Parang pinawi ng isang panaginip na yun lahat ng paghihirap ko.Tinawagan ko yung partner ko sabi ko sa kanya kunin na namin si baby sa hospital. Ready na kong kunin sya ang gaan ng pakiramdam ko para bang sa isang iglap nawala lahat ng sakit. Kasama din bestfriend ko nung kinuha namin yung si baby sa hospital nasa bote sya pero di ko pa din sinilip hindi ko ata kayang tingnan sya, tinakpan namin sya ng tela then dinasalan ni father na bless din sya bago ko iniuwi sa bahay namin. May dalawang araw pa ata ng silipin ko sya buo na nga sya although super liit pa talaga nasa 4 months na din kasi. Sabi ko kay baby sya na totoong Angel ko iguide nya nalang kami lagi and i know may reason kung bakit hindi pa sya binigay sa amin. Inilibing namin sya sa garden ng bahay namin doon forever sakin sya dun nako nagtitirik ng kandila,bumili ako ng malaking angel na figurine dun ko nilagay sa kanya and then tumubo din dun yung mabangong sampaguita sa tabi ng anghel ko.
Hindi naman sya nawala sa akin andito pa din sya sa puso ko. And i know andyan lang sya sa tabi tabi binabantayan nya lang kami ng little brother nya. Love you my little angel.You will always be remembered.
Angel Mom
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Fanfictionthis stories are from faceboook, official site of spookify and I make this for readers who want to read it offline like me :) so add this tory to your library and click vote :) Have a great day! Thanks :) SPOOKIFY OFFICIAL FACEBOOK PAGE: ht...