NEAR DEATH EXPERIENCE

1.2K 11 0
                                    

Hello Admin! Sana ma-post po ito.
Call me Basha, 22 from Muntinlupa City (not my real name and yes i do. Gumamit ako ng dummy account for my own security) so here it goes.
JUNE 15, 2017
10 PM onwards nagpaalam sakin sister ko, let's just call her Sky. So ayun, magkikita daw sila ng bestfriend nya and iba pa nilang friends so ako nalang naiwan mag isa sa bahay kasi kaming dalawa lang naman talaga ang tao palagi sa bahay pag weekends lang nauwi si Kuya kasi nagwowork sya in Cavite and si Omma naman is stay in. So mag isa na nga lang ako. Usually kasi ako gabi talaga naliligo eh di ayun na nga mag isa lang ako nilock ko door kasi nga maliligo na ako. Nasa CR na ako nun tapos wala na akong suot na damit. Naligo na ko nag hilamos, nag shampoo, nag sabon ng katawan hanggang sa malapit na akong matapos nang mapansin ko sa pader ng CR namin yung anino ko. Kitang kita ng dalawang mata ko na sa anino wala akong ulo so natakot na ako agad ang ginawa ko umupo ako then after 2 or 3 minutes siguro tumayo ulit ako then tiningnan ko ulit anino ko sa pader ng CR kaso wala talaga yung ulo ko. Ang ginawa ko hinawakan ko ulo ko at ginalaw galaw ko habang nakatingin ako sa anino ko sa pader kaso wala talaga yung ulo ko sa anino. So ayun na nga, takot na takot na ako ni hindi na ako nakapag tooth brush at di ko na napunasan ng maayos yung katawan ko bago ako magbihis. After ko makapag bihis iyak na ako ng iyak, i mean nasa CR pa lang ako non iyak na ako ng iyak. Nung nakabihis na ako umupo ako sa sulok ng kama namin habang iyak ng iyak sa sobrang takot. Wala akong matawag or mahingian ng tulong kasi si Sky umalis tapos yung mga kapit bahay namin na tito at tita ko naman ay nagkakasayahan sila kaya nahiya na akong mang istorbo and besides di na ako makagalaw or makatayo sa kinauupuan ko sa sobrang takot na naffeel ko. Hanggang sa tinawagan ko si Sky and tinanong ko kung di pa ba sya uuwi. Naiyak ako non habang kausap ko sya tapos nanotice nya naman na naiyak pala ako. So di na ko nakatiis, tinext ko na yung boyfriend ko. Call him Popoy nalang. Eh that time di kami okay almost 5 days na kaming di nag uusap. Tinext ko sya sabi ko sa kanya, kalimutan nya na muna yung samin i mean yung away at tampuhan namin puntahan nya muna ako kasi sobrang takot na takot talaga ako so ayun nagreply naman sya kasi sinabi ko yung nangyari sa akin then sabi nya sunugin ko daw lahat ng suot ko nung nakita ko sarili ko na wala akong ulo sa anino ko may ginagawa pa daw sya after nalang daw nun sya pupunta. Past 1 AM na nun wala pa sya sa sobrang pagod ko sa kakaiyak napahiga ako sa kama namin and then pag pikit ng mata ko ang unang unang nakita ko is yung sarili ko nasa kisame nakahiga rin bali harapan kami kasi nga nakahiga ako naka tihaya ako. Nakita ko sarili ko na walang mata. May nakita rin ako na babae tumatakbo hinahabol ng lalake kasi pupukpukin ng bato sa ulo. May nakita rin ako na babaeng nanganganak tapos pagkalabas nung bata namatay yung babae. Nakita ko rin sarili ko na nakahandusay sa poso sa looban namin tapos sobrang daming dugo. at ang pinaka kinatakutan ko sa lahat is itong nakita ko na to. Nakakita ako ng isang babae na maaaksidente sa motor tapos mababangga ng truck at mamamatay. Natakot ako that time kasi si Sky palaging hinahatid yun ng mga friends nya ng naka motor eh most of the time ang daan nila pag hinahatid sundo sya is sa high way so ayun alalang alala ako kay Sky. Lahat yun nakita ko nung pag pikit ng mata ko. Siguro nakaidlip na ako non sa sobrang kakaiyak at takot. Hanggang sa dumating na si Popoy pero wala pa rin si Sky 2 AM na yata yun. May dala syang food and bracelet na color black, sinuot nya sakin yung bracelet then sinabi nya wag na wag ko huhubarin kahit ano man gawin ko or san ako magpunta. So ayun na nga, nakahiga na kami. Sabi ko sa kanya pag naffeel nya na makakatulog na ko gisingin nya ako kasi ang bigat na bigla ng pakiramdam ko sabi ko ayokong matulog kasi baka di na ko magising or so what ever. Pero sya naman opposite ginagawa nya, pinapatulog nya ako kasi pagod na daw ako. Babantayan nya daw ako sabi ko naman ayoko talagang matulog kaya ang ginawa ko nanood ako movie sa phone nya hanggang sa sya na yung nakatulog. Nag 6 AM di pa rin ako natutulog pero nakauwi na nun si Sky mga bandang 4 AM siguro sya nakauwi. hanggang sa 11 AM nagising na si Popoy so ako need ko magprepare ng lunch namin and damang dama ko na ang bigat bigat sobra ng pakiramdam ko tapos habang nakain kaming tatlo nila Popoy, Ako and Sky napapapikit na ko sa hapagkainan kasi nga wala pa akong tulog non tapos sobrang bigat ng pakiramdam ko and walang wala talaga akong ganang kumain kaya di ko naubos food ko konti lang nakain ko. Fast forward, tapos na lahat kumain so Siesta time. Tanghali eh sempre masarap matulog. Natulog si Popoy (matakaw kasi talaga yun sa tulog tsaka palagi din kasing puyat) habang si Sky naman kausap yung kapit bahay namin na si Kath sa bahay namin mismo ako naman nakahiga at naisipan kong tumayo. Sabi ko sa sarili ko ang tagal ko ng di nakakapag motor ulit, tamang tama tulog si Popoy itatakas ko yung motor nya. (May motor kasi sya and tinuruan nya ako kung paano gamitin yun. Although marunong naman talaga ako mag motor pero hindi lahat kaya ko gamitin) kasama ko yung cousin ko na si Dennis may motor din sila so nagkayayaan kami mag stroll. Sya gamit nya motor nila, ako gamit ko motor ni Popoy. So ayun stroll, stroll, stroll. Hanggang sa eto na nga, may dinaanan kaming School. School ng High School sempre School nga so maraming tao or students na naglalakad sa labas kasi sakto uwian time nun. Pauwi na sana kami nun nauuna yung pinsan ko kasi kaskasero talaga yun si Dennis magpatakbo ng motor ako nahuhuli kasi nga nagdadahan dahan ako kasi medyo kinakabahan na ako non kasi di nga ako nalabas gawa nung nangyari sakin. So ayun sobrang lawak nung space ng kalsada as in wala akong kasalubong tapos ako halos nasa gitna na ng kalye. May naglalakad na dalawang estudyante, hindi sila gilid na gilid dun sa kalsada so may posibility talaga na madadali ko sila pag bigla silang nag step ng konti papunta sa gitna banda ng kalsada kasi nga di naman imposible kasi wala naman nadaan na mga sasakyan. Malayo pa lang nag horn na ako ng ilang beses tapos ang bilis ng pangyayari. Tinaas nung isang estudyante yung kamay nya na parang wala lang. Parang tinaas nya lang for nothing tapos lumingon ng konti sa likod so ako akala ko tatawid sila ng kasama nya or what. Medyo nagpanic ako sa part na yun, nataranta ako tapos ayun nadali ko na pala yung estudyanteng babae tapos ako natumba habang nakasakay sa motor. Medyo nakaladkad ako kasi kahit tumba na yung motor umandar pa ng konti kaya nagkasugat ako sa tuhod, paa at siko. Tumayo agad ako at nag sorry ako dun sa babae na estudyante tapos nag sorry rin sya sakin tapos umalis na kami ng pinsan ko sabi ko sa pinsan ko wag nyang sasabihin yung nangyari sakin kasi nga di na ako papagamitin ng motor pag nalaman yun. Kaya ko rin nalaman na nagkasugat ako kasi si Dennis ang nakapansin, yung pinsan ko nga. Na nagdudugo daw tuhod ko paa ko at siko ko. So ayun na nakauwi na kami tulog pa rin si Popoy. Pinark ko ng maayos motor nya para di halatang ginamit. Sobrang sakit ng katawan ko nun para akong binugbog ilang gabi akong di makatulog ng maayos. Di makakilos kahit pag huhugas ng plato di ko magawa. Inisip ko na ako yata yung babaeng nakita ko nung napaidlip ako na maaaksidente sa motor. So ayun nga wala akong idea kung ano yung mga nakita ko. Pero sobrang nagpapasalamat ako kay God kasi ganon lang yung nangyari sakin at hindi malala kahit malakas yung pagkakatumba ko sa motor. Nagsinungaling ako non kay Popoy sinabi ko na kaya ako nagkasugat kasi nadapa lang ako kakalaro ng Volleyball pero feel ko rin na di sya naniwala that time kasi nga ang grabe nung mga sugat ko. So ayun, Sorry kung mahaba masyado pero di naman nakakatakot or what. Gusto ko lang maishare na kapag ganon yung nangyari sa inyo or nasa ganong situation kayo wag na wag muna kayo maglalalabas ng bahay kasi malapit talaga sa kapahamakan pag ganon. Pero until now minsan, naiisip ko pa rin kung ano bang ibig sabihin nung mga nakita ko nung nakaidlip ako. And then ang isang pinagtataka ko pa is possible pala na even you, ikaw, ikaw mismo makikita mo sarili mo na wala kang ulo sa anino mo. Akala ko kasi ibang tao lang ang makakapansin na wala kang ulo sa anino or sa picture eh. Kinda confuse lang anyway, Thank you readers. Jalgayooooo!

PS: Di ko alam kung capable ba yung naisip kong title dun sa story ko.

-Basha

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now