Chapter 29

280K 7K 1K
                                    

Natuwa ako sa mga mala-flash fiction niyong comment sa haba tapos may sense talaga. Sarap basahin! Natawa ako dun sa isa na ipa-tukhang raw ako kasi pinapahirapan ko si MM! Haha!!

___

"LOVE?" Falcon bolted up from the swivel chair nang makita ang pagpasok ni Mhelanie sa opisina nito. Isang linggo na rin silang hindi nagkikita ni Falcon simula nang bumalik siya ng Batangas. Gustong-gusto ni Falcon na puntahan siya sa Batangas pero madiin siyang tumanggi. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Falcon at makailang hinalikan ang gilid ng kanyang ulo.

"Finally! Babalik ka na ba sa atin? Miss na miss na kita."

"Let's talk, Tres." Iginiya nito si Mhelanie sa sofa at naupong magkatabi.

"Kumusta ka?" Masuyo siyang hinalikan ni Falcon sa labi at madamdamin siyang tinitigan. Mariin siyang pumikit at mahigpit na niyakap si Falcon. Miss na miss na rin niya ito. Sobra!

"Love, what's wrong? I feel something bad about your action." Matagal na sandali ang kanyang pinalipas bago nagsalita.

"Gusto ko munang lumayo." Mabilis na inilayo ni Falcon ang sarili mula sa pagkakayakap mula sa kanya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi ko na maayos ang pamilya ko, Tres. Galit sa 'kin si Nanay. Awang-awa ako sa kanya sa tuwing susubukan niyang tawagan si Harper pero binabaliwa siya nito. Gabi-gabi na lang siyang umiiyak. Kasalanan ko ang lahat. Nasaktan ko sila ng sobra. Gusto ko munang lumayo, Tres."

"Okay. Where do you want to go? I will go with you. Kahit saan sasamahan kita." Masuyong hinaplos ni Falcon ang pisngi ni Mhelanie. Umiling si Mhelanie.

"As long as we are together the pain that I've caused them will never relieve. Kapag sumama ako sa 'yo iisipin nilang ikaw ang pinipili ko at mas lalo silang masasaktan. Gusto ko munang lumayo. Baka sakaling mabawasan ang sakit na naidulot ko sa kanila."

"What do you mean? Hihiwalayan mo ako." Sinapo ni Mhelanie ang mukha ni Falcon.

"Hindi. Babalik ako. Pangako babalikan kita."

"Tatakasan mo ang problema, Mhelanie, at pati ako gusto mong isakripisyo! I can't believe this!" Bumakas sa mukha nito ang matinding pagdamdam. Ginagap niya ang kamay ni Falcon.

"Hindi. Hindi gan'on 'yon. Ito ang tingin kong tamang gawin sa ngayon. Falcon, gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang tuparin ang mga pangarap ko. Tinanggap ko na ang offer na trabaho sa 'kin sa California." Nagpasya siyang tanggapin ang trabaho na hanggang ngayon ay bakante pa naman.

"Kung 'yan ang gusto mo susuportahan kita. Sasama ako sa 'yo. Sasamahan kitang tuparin ang mga pangarap mo. You can pusrue your dream with me. Bakit kailangan pati ako layuan mo?"

"Hindi mo ako naiintindihan."

"Hindi talaga kita maintindihan, Mhelanie! I don't get it! Damn!"

Ipinaalam niya sa nanay niya ang balak. Ang hinala ng nanay niya ay lalayo siya para malaya silang magsama ni Falcon pero sinigurado niya sa kanyang ina na hindi niya kasama si Falcon. Hindi ito sumang-ayon sa gusto niya pero hindi rin siya pinigilan kaya alam niyang pinapayagan siya nito. Muli niyang ginagap ang mukha ni Falcon at hinuli ang mata nitong punong-puno ng hinanakit.

"Love, please, intindihin mo naman ako. Babalik ako. Kapag maayos na ang lahat babalikan kita. Hanggat magkasama kasi tayo mahihirapan si Nanay at Harper na mapatawad ako. At hindi tayo lubos na magiging masaya kung hindi naman tayo matanggap ng pamilya ko."

"I did nothing but understand you. I don't get tired of fighting for you even if you do not want to fight for me. You know, what hurts the most is knowing you're not fighting to keep me. For once I want to be fought for. God, dammit, Mhelanie, ipaglaban mo na naman ako!" Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Falcon pero kailangan niyang tigasan ang loob.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon