Prologue

3.9K 80 3
                                    


Originally started: December 18, 2016

Ended: April 26, 2018

Started editing: April 24, 2019


Prologue


"Tama na please." pakiusap ko sa kanila.

"Pano kung ayaw naming tumigil? May magagawa ka ba?"

Sumubsob ako dahil sa lakas ng pagtulak ni Angeline. Gumasgas ang tuhod ko sa mabatong semento kaya hindi ko na napigilan ang pagiyak. Ang daming dugong lumalabas.

"Aasa ka na naman ba sa best friend mong bakla para magpatulong?"

"Nasan na nga ba si Supergay na Superhero ng isang Superweak na katulad mo?"

"Hindi ka lang Superweak, Superbobo ka pa! Pa'no ka ba napunta dito sa Luxford? Hindi ka bagay dito!"

"Sa bobo mong 'yan? Umabot ka pa ng last year sa middle school? I heard your poor kaya imposibleng mabayaran mo ang mga teacher natin para ipasa ka. Poor ka na nga sa pera, poor ka pa sa utak! Kawawa ka naman!"

"Hinuhuthutan mo siguro si Roxy ano? O kaya naman baka ginagawa mong pambayad 'yang katawan mo?"

"Pero girls naman, just look at her! Even her body looks poor and cheap! Walang tatanggap diyan!"

Sabay sabay pa nila kong tinawanan.

Pinilit kong tumayo, sumandal ako sa pader pang suporta dahil hindi ko kayang tumayong mag-isa. Hinang hina ang katawan ko... lalo na ang tuhod ko.

Ang best friend kong si Roxy... ang tanging tao sa school na tagapagtanggol ko. Nagprisinta siya na bumili ng snacks para sa'ming dalawa, para hindi na namin makita 'yung mga nambubully sa'kin kaya naiwan akong mag-isa sa room. Pero heto pa rin ako ngayon sa tapat nila. Sinadya pa nila ako sa room at dinala sa likod ng building para walang makakita sa'min.

Hinawakan nang isa sa kanila ang collar ng coat ko, "Ano Andrea June? Laban!"

Pero agad niya kong binitawan dahil sa lalaking tumatakbo palapit sa'min.

Huminto ito sa tapat namin, yumuko ng bahagya at tinukod ang parehong kamay sa mga tuhod para maghabol ng hininga.

"Jacin Mendes?" sabi ni Angeline habang nanlalaki ang mata.

Jacin Mendes? Madalas kong naririnig ang pangalan na 'yon. Palagi siyang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Miyembro siya ng Pyxis. Pamilya nila ang nagmamay-ari sa buong Luxford school.

Umayos siya ng tayo pero bahagya pa ring hinihingal.

Tiningnan niya kami isa-isa. Humakbang siya palapit sa'kin at sa gulat ko hinawakan niya ang braso ko at itinaas ito.

Narinig ko pa siyang napamura ng mahina, "Shit, I'm late."

Doon ko na-realize na ginawa niya 'yun para tingnan and oras sa wristwatch ko.

Tapos no'n tumakbo na ulit siya paalis.

Nakahinga naman ng maluwag 'yung mga babae sa paligid ko.

Napatawa ng malakas ang isa sa kanila, "Kinabahan ako, akala ko kakilala mo si Jacin e!"

"Ano, tuloy na natin?" Angeline grabbed my coat again at muli akong tinulak pababa sa semento.

Sisipain niya sana ko pero...

"Hey." Si Jacin... bumalik. Iyon lang ang sinabi niya. Isang salita lang 'yun pero nagtakbuhan paalis na sila Angeline.

Naglakad si Jacin palapit sakin at umupo sa harap ko.

Napalunok ako.

Anong gagawin niya sakin?

May kinuha siyang kung ano sa bulsa niya at inilagay iyon sa tuhod kong may sugat.

Pulang band aid pala.

"Here," he said, inabutan pa ko ng isa pa, kulay pula din. Tumayo siya at inilahad ang kamay sakin.

Tinanggap ko ito at hinatak niya ko patayo.

"S-salamat..." Ang tanging nasabi ko. "Maraming... maraming s-salamat."

Tumingin ulit siya sa wristwatch ko at muling napamura, "Shit." At tumakbo na siya paalis. Sa pag-alis niyang 'yon... kasama niyang dinala ang puso ko.



Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon