Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1

251K 7.6K 1.2K
                                    

DIPEN


BEFORE...

"WHAT kind of drug is that?"

Itinaas iyon ni Quiro, my cousin, at sinuri. His pointed nose wrinkled. Isa iyong bote na may mga pildoras sa loob. Marami pang botse sa mesa, katulad din ng boteng hawak niya.

"Zombie pills." My older brother Leonardo supplied. "Ito ang ginagamit ng samahang 'Oval'. Isang pekeng relihiyon o kulto na nanloloko ng mga tao. But there's a bigger fish na nagsu-supply nito sa kanila — a durglord."

Tumango-tango ako. Interesting, huh?

"This can lower pulse and body temperature. Ang iinom nito ay maaring maging paralisado nang panandalian. The effect of this drug can be mistaken for death."

"At iyon ang ginagamit ng Oval para makapang-recruit ng bagong miyembro na peperahan nila. Palalabasin nilang kaya nilang bumuhay ng patay. And some gangsters used this to deport drugs. Itinatago nila ang cocaine sa katawan ng patay kuno na tao. Besides, these pills are also converted into tablets." Inabutan niya ako ng mga tabletas.

We're working undercover for the Saavedra Security Agency. Isa akong propesyonal na dentista sa probinsya namin sa Dalisay bago ako pumasok sa Saavedra Phoenixes, isang pribadong ahensiya. Itinatag ito ng dalawa sa panganay kong kapatid—sina Kuya Raphael at Kuya Leonardo. They were both ex-Navy Seals.

Si Kuya Raphael ay nakapagtrabaho na rin sa Central Intelligence Agency noong nasa ibang bansa siya. Parehas sila ni Kuya Leon na ilang undercover operations na rin ang sinuungan at pinagtagumpayan.

Sa ngayon ay lumalaki na ang ahensiya namin at pinagkakatiwalaan na kami ng gobyerno. Kaming mga kapatid ko at mga pinsan ang nasa unahang line up ng mga secret agents.

"Hey, Dip! Wanna try it?"

Dirty finger ang isinagot ko kay Quiro. He was our computer specialist and hacker. Malupit pa sa malupit. Parehas sila ng bunso kong kapatid na lalaki, si Pocholo.

"C'mon! Malalaman mo kung ilang babae ang iiyak sa'yo."

"Damn you, Q! Hindi ko pa gustong mamatay." Tumayo ako at namulsa. "Bakit kaya hindi mo i-try iyan sa sarili mo?!"

Ngumisi lang siya.

"Delikado ang gamot na iyan." Wika ni Kuya Leon. "Kapag sobra ang dosage, it can cause diaphragmatic paralysis because of the suffocation."

"Delikado pala," ungol ni Quiro.

"Dipsy, dalhin mo ang mga 'yan kay Kuya Raphael," utos ni Kuya Leon.

"Alright." Inilagay ko sa isang safe na box ang tatlong maliliit na bote kasama ng mga tabletas. Sa Phoenixes Laboratory ako tutuloy.

Sa biyahe ay tinawagan ako ni Mommy G, my mother. Wala siyang alam na may bagong misyon na naman ako sa ahensiya. Ayaw ko na ring sabihin dahil magpa-panic na naman siya. Lahat ng lalaki niyang anak ay may dalawang propesyon. Iilan lang ang nakakaalam na ang pangalawang propesyon namin ay may kinalaman sa pagiging secret agents ng Saavedra Phoenixes Agency.

Nang matapos ang tawag ay bumalik sa wallpaper ang screen ng phone. The wallpaper was a candid half body shot of a woman. Saglit akong nag-menor at napatitig doon.

Ipinasa lang sa akin ng pinsan kong si Quiro ang photo na ito. This was Kiana Louise Montenegro. It had been 10 years since the last time I saw her. 

She was wearing a black halter dress in the photo, showing more of her flawless skin. Her hair in the photo was tied in a messy bun. May ilang buhok pa sa gilid ng mukha, mamula-mula ang mga pisngi, at ang labi ay kulay itim dahil sa lipstick na gamit.

And this woman was an obsessed stalker of my older brother, Leon. But she was really a beauty. 

Napailing ako at nag-focus na lang sa pagmamaneho papunta sa Phoenixes Lab na matatagpuan sa bukana ng bayan ng Dalisay. Nasa malawak at walang katao-taong kalsada ako ng probinsiya nang matigilan. 

Sa kagustuhan kong makarating agad ay humanap ako ng shortcut. Nauwi ako sa liblib na kalsada na dadaan sa isang private land. Kumunot ang noo ko nang maalala kung kaninong teritoryo ang ngayo'y aking kinaroroonan—ang hacienda ng mga Montenegro!

Oh, fuck.

Then my phone rang. The caller was Kuya Leon.

Hindi sa phone natutok ang aking atensyon. Funny that my eyes were pinned on the bottle of Zombie Tablets. Hanggang sa namalayan kong hawak-hawak ko na pala iyon.


JF


SavagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon